Roni's POVIsang buwan na ang nakakalipas, simula nang mag-usap kami ni Borj at tinigil ko lahat kung ano man ang meron saamin. Pero nagawa siya ng paraan, sa barkada siya nakikibalita. Naiwas na din siya tuwing nakikita niya ako lalo na pag kasama niya si Jane.
Nakakatanggap nalang ako minsan ng text, unknown siya pero alam kong galing sakaniya, mga paalala niya sa mga bagay-bagay.
Hindi ko naman binabalewala 'yung mga paalala niya, thankful pa nga ako, kasi minsan nakakalimutan kong kumain. Sa simpleng text niya, naipa-paalala niya na kailangan kong kumain dahil nalilipasan na ako.
Nandon pa din yung care niya, pero hindi na kagaya ng dati. Nakakasama pa din siya sa barkada, pero pag hindi lang ako kasama. Sinabihan naman na ako ng barkada na ginagawa lang daw ni Borj na umiwas, para maging comfortable ako. Alam niya kasi na hindi ako komportable pag nandiyan siya.
Minsan nag-aabot ang barkada sa'kin ng mga pagkain at drinks, alam ko na galing yung iba kay Borj. Hindi ko 'yon tinatanggap, binibigay ko lang sa barkada. Hindi ko alam kung aware si Borj na ganun ang ginagawa ko. Pero kahit alam niya, wala naman siyang magagawa. Desisyon ko pa din kung tatanggapin ko lahat ng binibigay niya o hindi.
Napayat si Borj, nanga-ngayayat talaga siya napapansin ko 'yon tuwing nakikita ko siya. Halata na din ang eye bags niya, hindi ko naman magawang magtanong kina Kuya. Syempre curious pa din ako sa mga nangyayari sakaniya, lalo na ganun na ang nangyayari physically sakaniya. Hindi naman kasi nagbago ang feelings ko, ganun pa din.
Sa isang buwan na 'yon, puro si Tonsy ang kasama ko. Yung ginagawa ni Borj, si Tonsy na ang gumagawa. Hinahatid ako sa school, sinasabay din niya ako pag-uwi. Siya din minsan ang bumibili ng pagkain ko. Siya ang kasama ko pag nagala, at naglilibang.
May isa akong nakilala, si Basty. Sa pagkakatanda ko ex-boyfriend siya ni Jane. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang gusto niyang makipag kaibigan, tinanggap ko naman dahil mukha siyang mabait.
Ilang araw pa lang kaming magkakilala, wala pa naman akong napapansin na kakaibang kinikilos niya.
Tonsy: Iniisip mo si Borj?
Roni: Oo
Tonsy: Ayon siya, kasama si Jane. Kanina ko pa napapansin, nakatingin siya dito sa pwesto natin.
Roni: Hayaan mo siya.
Tonsy: Kausapin mo na kaya siya?
Roni: Tonsy, alam mo naman na hindi na talaga kami nag-uusap. Nasan ba siya sa one month na 'yon? Diba nakay Jane siya, wala na din naman kaming dapat pag-usapan pa e.
Tonsy: Hindi kaba naaawa sakaniya? Minsan nalang din siya sumama saamin.
Roni: Nandun na tayo sa point na ganiyan, pero hindi ko naman kasalanan e.
Tonsy: Sige na nga, nakunot nanaman noo mo.
Ginulo niya ang buhok ko habang natawa, napatawa nalang din tuloy ako. Madalas ako kulitin ng barkada na kausapin ko na si Borj, pero tumatanggi talaga ako.
Nagulat kami ni Tonsy, nang lumapit sa pwesto namin si Jane. Sinusubukan naman siyang pigilan ni Borj, pero ayaw niya magpapigil.
Jane: Hi, pwede sa susunod wag kana magpapakita kay Borj?
Roni: Excuse me?
Borj: Roni, wag mo siyang pansinin.
Jane: BORJ!
Borj: Calm down please, nasa school tayo. Sorry, Roni aalis na kami tara na Jane.
Jane: No! Ikaw naman Roni, kung pwedeng mawala ka ng tuluyan sa buhay ni Borj gawin mo. Kunwari ka pa diyan na wala kang pake, alam mo para mas malinaw lahat magpakalayo-layo kana.
YOU ARE READING
Ikaw At Ako [Completed]
FanfictionAnother boni story! "Madaming iba diyan, tigilan mo na ako" - Roni ©All Rights Reserved