Chapter 2:

342 35 3
                                    


Borj's POV

Iba yung pakiramdam ko kay Roni, alam kong nakita ko na siya. Hindi ko lang sure kung siya yung nasa Nueva Ecija. Hindi ko maiwasang mapatingin sakaniya, ilang beses na din niya akong nahuli.

Medyo nakakahiya!

Ang ganda niya kahit ang seryoso niya.

Hindi naman masamang magandahan sakaniya, kahit may girlfriend ako diba? Nagagandahan lang naman, hays ewan. Ako lang naman ang nakakaalam.

Ginagawa ko na nga lang seryoso ang mukha ko kahit gustong-gusto ko na siya makakulitan at makausap. Hindi kaya ako familiar sa paningin niya?

Sabagay ilang taon na din ang nakakalipas e.

Bago ako tuluyang umalis, narinig ko na nahilo talaga siya dahil sa lakas ng impact ng bola sa ulo niya. Naguilty ako kahit na alam ko naman na hindi ko sinasadya. Hindi kasi nasalo ni Yuan ang bola.

Napalakas pa pagkakahagis ko, kung alam ko lang na hindi masasalo hindi ko sana nilagyan ng pwersa ang pagpasa ko ng bola.

Hindi sana ako aalis kung hindi lang nagpapasama ang girlfriend ko, syempre dahil mahal ko siya sasamahan ko siya. Mabuting boyfriend ako e, magbibihis lang ako tsaka ako aalis. Sana naman maging maayos ang pagkikita namin ngayon.

Ngayon ko lang napansin alas-kwatro na, ano kaya gagawin niya sa mall. Bahala na nga. Basta ang mahalaga masamahan ko siya ngayon, tsaka gusto ko din siya makasama.

Mabilis ako kumilos kaya nadaanan ko agad si Jane sakanila at ngayon ay nandito na kami sa mall. Nababasa ko na agad ang mood niya, hindi siya nangiti masyado e.

Jane: Saan mo gusto kumain?

Borj: Ayon ba gagawin natin dito?

Jane: Oo, hindi pa kasi ako nakain e. Nagugutom na talaga ako.

Borj: Sasamahan nalang kita, busog pa kasi ako. Okay lang ba?

Jane: Sure, tara kahit sa Jollibee nalang tayo. Mabilis mag order doon, burger steak at fries ko ha!

Borj: Sige! Next time magsabi ka sa akin, para nadadalhan kita ng pagkain o kaya magpadeliver ako sainyo.

Jane: Bakit ayaw mo ba akong samahan sa ganito na biglaan?

Borj: Hindi ah, nag-aalala lang ako sa'yo. Masyado ka nagpapalipas, hindi ba nakapagluto ang yaya niyo?

Jane: Nagluto kaso ayoko nung pagkain.

Borj: Nako ka, dapat nagre-request kana e, para alam niya kung anong gusto mong pagkain.

Jane: Nakakatamad kaya! Tsaka mapapagalitan ako ni Daddy pag nalaman niyang masyado akong maarte.

Borj: Hanap kana mauupuan mo doon, ako na mag-oorder ng food mo.

Jane: Ok thanks!

Mabuti nalang kaunti lang tao, kaya mabilis lang ako nakapag oder ng pagkain niya. Hinanap ko agad siya para makakain na siya.

Borj: Ubusin mo 'yan ah.

Jane: Hindi mo talaga ako sasabayan?

Borj: Busog pa talaga ako, galing ako diba kila Yuan. May kainan don naparami kain ko. Kung alam ko lang na mag-aaya ka, hindi sana ako kumain.

Jane: Ay sorry naman ha, parang kasalanan ko pa. Nakakawalang gana naman kumain.

Borj: Ubusin mo 'yan, wag mo pairalin ang inis mo. Mamaya sumakit pa tiyan mo dahil sa gutom. Makinig ka naman sa'kin.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now