Chapter 16:

427 36 2
                                    


AFTER 3 YEARS

Roni's POV

Ang tagal naman ni Borj, kanina pa ako naghihintay sakaniya.

Kuya Yuan: Ano sister wala pa din?

Roni: Wala pa din e, bakit kasi hindi mo pa siya inaya kanina na sumabay sa'yo?

Kuya Yuan: Hindi ko naman alam na hindi niya dala motor niya. Wag kana mainis diyan, umayos ka sister. Pagod 'yon, galing sa practice.

Roni: Practice nanaman-

Kuya Yuan: Roni, ganun talaga. Oh ayan na pala si Borj e.

Roni: Buti dumating kana.

Borj: Sorry love, ang traffic. Tara na sa bahay, nandoon na ba ang parents niyo?

Humalik siya sa pisngi ko at ginulo ang buhok ko. Lagi niyang ginagawa 'yon pag napapansin niyang wala na ako sa mood.

Roni: Kanina pa. Tara na kuya, sumabay kana saamin.

Borj: Ang nguso mo love nahaba. Sorry na po.

Roni: Kasi naman love, late kana ng almost 30 minutes.

Kuya Yuan: Baka magtalo pa kayong dalawa, tara na.

Borj: Bakit pala hindi pa kayo sumabay kila tita?

Roni: Sabi mo kaya dadaanan mo ako dito. Kaya sabay tayo no!

Borj: Sungit mo love, may dalaw kaba?

Roni: WALA! Mamaya na tayo mag-usap. Pumunta na tayo sainyo.

Kuya Yuan: Nagseselos na 'yan sa basketball.

Roni: Nabulong kapa kuya naririnig naman kita, tsaka anong selos ka diyan?

Borj: Totoo ba 'yon? Usap tayo mamaya.

Tumango nalang ako sakaniya, pagkarating namin sa bahay nila. Naka ready na ang pagkain. Kami nalang ata talaga ang hinihintay.

Roni: Mano po lola at lolo.

Nakigaya naman saakin sila kuya at borj. Binati din ni Borj sina mama at papa.

Lola Seling: Borj, magpalit ka muna ng damit mo.

Borj: Sige po la, saglit lang po.

Lolo Miyong: Huwag ka magmadali, mamaya pa naman tayo kakain. Nagku-kwentuhan pa kami.

Inaya ako ni Borj na umakyat sa kwarto niya. Hindi nalang namin sinara ang pinto para hindi mag-isip ng kung ano-ano ang parents namin.

Borj: Bakit ka nagseselos?

Roni: Naniwala ka naman kay Kuya.

Borj: Bakit hindi ba 'yun totoo?

Roni: Magkaiba yung nagseselos sa nagtatampo.

Borj: Nagtatampo ang mahal ko? Sabihin mo saakin, may nagawa ba ako?

Roni: Lagi kana kasing nakatutok diyan sa basketball, tignan mo nga itsura mo oh. Sabi mo last na yung noong second year ka, tapos humirit ka pa ulit.

Borj: Kulang naba yung oras ko sa'yo. Sorry love, kung sa tingin mo puro basketball nalang inaatupag ko.

Roni: Hindi naman, iniisip lang talaga kita. Akala mo ba hindi ko alam, imbes na kumain ka ng lunch mas inuuna mo pa ang basketball. Hindi 'yun nakakatuwa Jimenez!

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now