W-18
Roni's POV
Pagkagising ko pa lang, iba na agad ang pakiramdam ko. Mabigat ang katawan ko at parang umiikot ang paligid. Akala ko noong una, normal na pagod lang dahil sa work at mga house chores. Pero nang tumayo ako, bigla akong napatakbo sa lababo. Sumuka ako nang sunod-sunod. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito dati.
Roni: Borj!
Sigaw ko habang nakayuko sa lababo, ang higpit na ng pagkaka-kapit ko sa gilid ng lababo.
Biglang bumukas ang pinto ng banyo, at si Borj, na mukhang kakagising lang din, ay agad na tumakbo papalapit sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Borj: Love, okay ka lang ba?
Hinahaplos niya ang likod ko, sinusubukan akong pakalmahin. Nakakahilo, ano ba 'tong nangyayari saakin?
Umiling ako habang sinusubukan kong pigilin ang pagduwal ko nanaman.
Roni: Hindi ko alam... parang bigat ng pakiramdam ko. Tapos panay suka ako.
Hinawakan ni Borj ang mga balikat ko at hinila ako palapit sa kanya para alalayan palabas ng kwarto, inaya niya ako bumaba muna sa kusina.
Borj: Kailangan mo ba ng tubig? Magpapakulo ako ng salabat o kaya maggawa ako ng tea?
Huminga ako nang malalim at tumango.
Roni: Sige love, baka makatulong.
Habang hinihintay ko si Borj na maghanda ng inumin, sumandal ako sa upuan at pumikit, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Ang dami kong iniisip—baka may nakain lang ako kahapon na hindi okay, o baka pagod lang talaga ako. Pero iba ang pakiramdam ko. Hindi ito katulad ng mga nagdaang sakit ko.
Maya-maya pa, bumalik si Borj dala ang isang tasa ng salabat.
Borj: Uminom ka muna nito, nakakaalis daw ng hilo 'yan sabi ni Lola.
Nagtanong pala siya kay lola.
Kinuha ko ang tasa at dahan-dahang uminom. Medyo mainit, pero ang init ng salabat ay nagpapakalma sa sikmura ko. Nilingon ko si Borj at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
Borj: Baka kailangan natin magpacheck-up. Hindi normal 'yung ganitong pakiramdam mo, love. Ayokong pabayaan ka.
Tumingin ako sa kanya at tumango. Alam kong tama siya. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin.
Roni: Sige, love. Magpacheck-up tayo mamaya.
Pagkatapos naming maghanda, pumunta kami ni Borj sa clinic para magpatingin. Habang nasa waiting area kami, hindi pa rin mawala ang kaba ko. Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung ano ang sasabihin ng doktor. Pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, lalo na dahil kasama ko si Borj na laging nasa tabi ko.
Nang tawagin na ang pangalan ko, sabay kaming pumasok sa loob ng clinic. Nakangiti ang doktor na sumalubong sa amin. Matapos niya akong tanungin ng ilang mga katanungan tungkol sa nararamdaman ko, humingi siya ng ilang tests para masigurado kung ano ang dahilan ng pagsusuka ko.
Lumabas kami ni Borj ng clinic pagkatapos ng ilang oras. Habang nasa parking lot kami, hindi ko maiwasang kabahan pa rin kahit na sinabi ng doktor na tatawag siya kapag nakuha na ang resulta ng mga tests. Madami pa kasing magpapacheck-up, kaya tatawagan nalang daw ang assistant pag okay n aang resulta.
Borj: Okay lang yan, love. Anuman ang maging resulta, nandito ako. Kahit ano pa ‘yan.
Nag-smile ako ng tipid. Kahit kinakabahan pa rin ako, nakakakalma talaga ang presensya ni Borj. At kahit hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari, alam kong hindi ako nag-iisa.
YOU ARE READING
Ikaw At Ako [Completed]
FanfictionAnother boni story! "Madaming iba diyan, tigilan mo na ako" - Roni ©All Rights Reserved