Chapter: 3

389 30 3
                                    

Borj's POV

It's been 3 days since nung nakita ko na nakipagkita ang girlfriend ko sa ex boyfriend niya. Kinukulit ako ni Jane sa chat at panay call siya sa akin.

[ 18 missed calls ]

Blinock ko muna ang number niya, para hindi niya ako matawagan dito. Natawag din siya sa messenger, pero nakamute kaya hindi nagpapop at hindi ko nakikita agad.

Ngayon ko palang bubuksan ang convo namin.

[ Jane: Borj, sagutin mo naman tawag ko.
: Wala lang naman 'yon, nag meet lang kami. Friendly kiss lang yung paghalik ko sa pisngi niya. Please maniwala ka saakin. ]

Hindi ko na binasa lahat, alam ko naman puro kasinungalingan lang nanaman. Nakakawalang gana magbasa.

Hindi ko siya magawang replyan, gusto ko kahit ngayon lang unahin ko muna sarili ko. Gusto ko marealize niya na hindi sa lahat ng oras, mapapasunod niya ako.

Tama naman ang barkada dapat hindi ako sunod-sunuran sakaniya, masyado ko na inaabuso ang sarili ko. Masyado akong mabait kay Jane, masyado ko siyang bini-baby kaya ito na ang kinalabasan.

Masyado siyang kampante na nandito lang ako palagi para sakaniya, siguro ang isa ko pang mali ay hinayaan ko na kontrolin niya ako. Masyado akong nagpabulag sa nararamdaman ko.

Mas lalo ako natauhan nung maalala ko mga sinabi ng barkada lalo na ni Roni, ang katas ng mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko inaasahan na sa unang pagkikita namin, mararamdaman ko na may pake siya saakin.

Magiging close kaya kami? Feeling ko naman hindi siya mahirap i-approach talaga.

Magiging okay lang ako pag nakausap ko na si Jane, gusto ko na siya kausapin mamaya. Gusto ko na maayos lahat, para sa peace of mind ko. Sapat na yung nakita ko sa mall na evidence. Gusto ko tapusin ang relasyon namin na maayos kami, para hindi mabigat sa pakiramdam. Sana lang makausap siya ng maayos.

Malakas kasi yung kutob ko na hindi lang yung araw na 'yon na nagkita sila. Mag ex tapos komportable sa isa't isa? Sa pagkakaalam ko pangit ang break up nila.

Ito nanaman natawag siya. Hindi ko sinagot mag-iiwan nalang ako ng message sakaniya.

[ Borj: Magkita tayo sa park, kailangan natin mag-usap. Hintayin kita doon. ]

[ Jane: I can't wait to see you, I miss you so much! ]

Hindi na ako nagreply, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.

Tatagan mo ang loob mo Borj! Para sa'yo din naman 'tong desisyon mo.

Hays.

Halatang ilang araw na akong wala masyadong tulog. Hindi ako pinapatulog ng utak ko, puro ako overthink. Makakatulog lang ako ng maayos, pag okay na lahat.

Umalis agad ako kahit na hindi naman kalayuan ang park dito. Gusto ko matapos agad ang pag-uusap namin. Lalo lang ako hindi makakapag-isip ng maayos, pag pinatagal ko pa.

Pagkarating ko sa park, as always ang tagal ko nanamang nag-antay. Ano pa nga bang aasahan ko sakaniya? Lagi naman siyang late hahaha.

Jane: Borj! Sorry late ako, namiss kita sobra.

Hinayaan ko lang na yumakap siya sa akin. Nagtaka naman siya kaya agad din siyang bumitaw.

Jane: Galit ka parin ba sa'kin?

Napatitig ako sakaniya ng ilang segundo.

Jane: Borj! Magsalita ka naman. Sorry na.

Borj: Nakipagkita ako sa'yo para tapusin na kung anong meron saatin. Let's break up, sorry.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now