Chapter 22:

339 30 3
                                    

Borj's POV

Hindi ko malilimutan ang mga unang linggo simula nang malaman namin ang pagbubuntis ni Roni. Akala ko normal lang lahat—yung pagkahilo, pagsusuka, at pagiging antukin niya.

Pero nung nagsimula siyang maglihi, doon na talaga ako nagulat. Laging nagugutom si Roni, at hindi basta-basta pagkain ang hinahanap niya. May mga gabi na bigla na lang siyang magyayaya na magpa-deliver ng mango float sa gitna ng gabi, o kaya gusto niya ng spicy ramen na wala namang malapit sa lugar namin.

Borj: Love, spicy ramen ulit? Hindi ba kanina lang kumain ka nun?

Roni: Oo, pero gusto ko pa. Sorry, love. Alam kong hirap na hirap ka, pero please?

Borj: Last na yan ngayong buwan, hindi yan healthy para sa baby natin.

Hindi ko kayang tanggihan si Roni, lalo na’t alam kong para ito sa mga baby namin. Nakangiti lang ako habang nagmamadaling maghanap ng mapag-o-orderan. Nakakatawa, pero masaya ako na kahit paano, naiintindihan ko na rin ang mga mood swings at cravings niya.

Mayroon pa yung alas-sais ng gabi, bigla niya akong pinahanap ng singkamas. Mabuti nalang hanggang nine o'clock pm ang mall, kaya nakaabot pa ako.

Ang dami niyang cravings kagaya ng manggang hinog na pero gusto niya sawsawan ay bagoong na may halong suka.

Madalas sa madaling araw siya nagpapahanap ng pagkain saakin, kagaya ng mga pagkain na kakanin which is umaga pa 'yon nabibili.

Dumating na din sa point na umiiyak siya kasi may malabong mabigay ko talaga na gusto niya.

Tapos dumating ang araw ng check-up namin sa OB-GYN. Inaakala ko na routine lang ito—malalaman namin kung ilang buwan na si baby, kung ano ang kalagayan niya. Pero hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari. Habang ini-ultrasound si Roni, biglang napahinto ang doktor at ngumiti.

Doktor: Mr. and Mrs. Jimenez, may magandang balita ako. Hindi lang isa... hindi lang dalawa… apat ang babies ninyo.

Quadruplets!

Para akong napako sa kinauupuan ko.

Borj: A-apat po?

Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa sobrang saya at gulat.

Borj: Apat? Sigurado po kayo, Doc?

Roni: Love, quadruplets?!

Hawak-hawak ko ang kamay ni Roni, ramdam ko ang kaba niya. Pero kalaunan ay napangiti na siya, siguro narealize niya na okay lang at kaya naman namin.

Borj: Love, kaya natin ‘to. Apat man sila, nandito ako. Hindi kita iiwan.

Pag-uwi namin, agad kong kinausap ang barkada. Pinapunta ko nalang sila dito sa bahay, sabay-sabay naman silang dumating. Isang sasakyan lang pala ang ginamit nila.

Tonsy: O, pre, ano na? Kamusta si Roni? May balita na ba?

Tumingin ako kay Roni, ngumiti naman siya.

Roni: Quadruplets ang pinagbubuntis ko!

Sabay-sabay na napatingin ang lahat, halos hindi makapaniwala. Napa-nganga pa si Yuan.

Missy: Ano?! Quadruplets?! Hindi ka ba nagbibiro, Roni?

Jelai: Grabe! Apat agad? Paano mo kaya kakayanin ‘yan?

Tumawa ako at nagbiro.

Borj: Kaya ‘yan, guys. Basta’t nandiyan kayo para tumulong!

Tawanan kami, pero nakarinig din kami ng  advice galing sakanila. Sinabi na din namin sa family namin, noong una nagulat din dila pero sobrang tuwang-tuwa sila.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now