Borj's POVHindi maiiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan, lalo na ngayong pareho kaming sobrang busy ni Roni sa pag-aalaga ng apat naming mga baby. Hindi biro ang apat na bata, at minsan, pakiramdam ko, hindi na kami nakakahanap ng oras para sa isa’t isa.
Kagaya na lang ng nangyari kaninang umaga.
Roni: Borj, kanina ka pa wala rito sa loob ha! Lahat ng mga baby, ako na ang nag-aalaga. Kailangan din kita rito!
Nasa labas kasi ako at nag-aasikaso ng mga halaman habang natutulog ang mga bata. Hindi ko napansin na nagising na pala sila at si Roni lang ang gumagawa ng lahat.
Borj: Sorry, love. Akala ko natutulog pa sila. Babalik na ako sa loob.
Roni: 'Yan kasi eh! Minsan, parang hindi mo iniisip na kailangan ko ng tulong. Hindi ako si Superwoman, Borj!
Tumahimik ako sandali, ramdam ko na pagod na pagod na si Roni. Naiintindihan ko siya, pero parang naiinis din ako na hindi niya napansin na ginagawa ko rin naman ang part ko. Siguro nga masyado lang akong nagconcentrate sa ibang bagay, pero hindi ibig sabihin na hindi ako nakikinig o tumutulong.
Borj: Alam mo naman na tumutulong ako, love. Hindi naman kita pinapabayaan. Hindi ba ako pwedeng magpahinga kahit konti?
Roni: Hindi sa ganun, Borj. Pero minsan, kailangan ko lang ng mas maraming tulong lalo na't sabay-sabay silang nagigising.
Hindi na ako nagsalita pa. Ayokong humaba ang usapan, pero naramdaman ko rin na dapat ko siyang intindihin. Hindi biro ang pag-aalaga ng quadruplets. Mabilis kaming naglapat ng tingin, parehong may sama ng loob, pero alam kong kailangan naming pag-usapan ito nang maayos mamaya.
Hay nako..
Matapos magluto ng hapunan, at pagkatapos naming mapatulog ang mga baby, pareho kaming tahimik. Alam kong kailangan ko itong ayusin.
Borj: Love, sorry kanina ha. Hindi ko talaga sinasadya na pabayaan ka. Siguro masyado lang akong nag-overthink na baka nakakalimutan na nating mag-relax kahit papaano.
Roni: Sorry din, love. Hindi ko naman talaga gustong pagalitan ka. Sobrang stress lang talaga ako, tapos ang dami ko pang iniisip. Ayokong maramdaman mo na hindi kita kailangan, kasi sobra-sobrang tulong mo sa akin.
Naupo ako sa tabi niya, at kinuha ang kamay niya.
Borj: Alam mo, love, naiintindihan kita. Andito ako para sa’yo. Ayokong maramdaman mo na mag-isa ka. From now on, mas magiging attentive ako. Sabay tayong mag-adjust, okay?
Roni: Oo, love. Mag-adjust tayo, sabay.
Ngumiti si Roni, at tinanggal ko ang natitirang luhang tumulo sa mata niya. Niyakap ko siya nang mahigpit, at alam kong kahit mahirap ang sitwasyon, kakayanin namin.
Hinalikan ko siya labi at tumugon naman siya. Napatawa nalang kami nang marinig namin na may naiyak. Mukhang nagising ang isa sa baby namin.
Anak naman...minsan lang maglambing sa mommy mo e.
Nagpresinta si Roni na siya na ang titingin sa baby, para hindi mawala ang ngiti niya, pumayag na ako. Ayokong maging makulit ngayon, baka mawala ulit sa mood.
Nang matapos ang maliit na hindi pagkakaintindihan namin, naisip ko na oras na para pasayahin si Roni. Gusto kong maiparamdam sa kanya kung gaano ako ka-thankful sa lahat ng ginawa niya—sa successful na panganganak niya at sa pagiging pinakamabuting ina para sa babies namin.
Dahil alam kong gustong-gusto niya ang mga simpleng bagay, nagplano ako ng surprise. Nagtawag ako ng tulong mula sa mga barkada namin. Sila ang tumulong sa akin para maghanda ng maliit na salu-salo dito sa bahay. Walang engrande, pero gusto ko lang na kahit saglit, makapag-relax si Roni at ma-enjoy ang moment kasama ang mga kaibigan namin at ang mga anak namin.
YOU ARE READING
Ikaw At Ako [Completed]
FanfictionAnother boni story! "Madaming iba diyan, tigilan mo na ako" - Roni ©All Rights Reserved