Chapter 12:

292 28 7
                                    


Roni's POV

Halos dalawang linggo na kaming parang tanga ni Borj, wala masyadong nag-iimikan pero nagsasama kami. Hindi ba talaga siya marunong makiramdam? Akala niya ata, normal pa din 'tong mga nangyayari e.

Nalaman ko lang kay Tonsy na...hinahayaan muna daw ako ni Borj, baka madami lang ako iniisip at ayoko ng kinukulit ako.

Seriously, ganun yung mindset niya?

Mabuti nalang hindi alam ni kuya, si Tonsy lang daw ang kinausap ni Borj about sa ganito. Siya lang kasi ang hindi busy. Maliban saamin ni Borj, wala din siyang lovelife kaya yung atensyon niya umiikot talaga sa barkada. Kaya napapansin niya mga kilos namin.

Bihira nalang din ako makatanggap ng message sakaniya, nag-iiba na talaga si borj. Pero hindi siya pumapalya sa pagsabay saakin pagpasok sa school at sa pag uwi. Napapadalas na din na nakikita ko silang nag-uusap ni Jane.

Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito, basta ang alam ko lang nasasaktan ako. Sana kung hindi na niya ako gusto, sabihin nalang niya. Hindi 'yung ganito, nagiging manghuhula na ako.

O kung hindi naman talaga niya ako gusto, ipagtapat na niya!

H'wag naman na sana niyang patagalin pa, pag mas matagal, mas masakit e. Nasa iisang circle of friends lang kami, kaya mahirap na ganito ang nangyayari.

Roni: Ang hirap ng sitwasyon mo Roni. Sumuko kana kaya?

Napapabulong nalang ako sa hangin. Mismong sarili ko hindi alam ang gagawin.

Jelai: Okay ka lang?

Roni: Hindi

Pag-amin ko sakaniya, pero hindi ko naman sasabihin yung reason kung bakit hindi ako okay.

Jelai: Paanong hindi? Sino o anong dahilan?

Roni: Hinaan mo boses mo, nandito talaga tayo sa library.

Jelai: Ay sorry naman, labas na tayo. Maya-maya magstart na ang next subject.

Roni: Wag na kaya tayo umattend sa next class? Malapit naman na mag-uwian e.

Jelai: Hindi pwede, magtataka 'yon si Missy. Tsaka kailan ka pa natutong mag cutting ha? Wala sa bokabularyo natin 'yon. Kaya ayusin mo na 'yang gamit mo.

Wala naman akong nagawa, kundi sumunod sakaniya. Mahirap na baka mapalakas pa ang boses niya, magalit pa saamin ang librarian.

Jelai: Alam mo sis, hinihintay lang namin kayo mag-open saamin. Lalo kana, nag-aalala na kami sa'yo, lalo na ang kuya mo.

Roni: Mag-open saan?

Jelai: Sa mga nangyayari at problema niyo ni Borj. Akala mo lang wala kaming napapansin, pero nananahimik lang kami.

Roni: Wala lang 'yon, sis. Wag mo na isipin 'yon.

Jelai: Papayag ako na hindi natin pag-usapan ngayon, papalipasin ko muna. Pero sana sa susunod magkwento kana.

Roni: I will, basta not now. Promise ko 'yan!

Napapansin na pala nila, paano na ako haharap sakanila nito? Lalo na sa kuya Yuan ko. Nakakahiya, pero wala e. Wala naman talagang sikretong hindi nabubunyag.

Pero kung iisipin hindi naman siya secret talaga, napansin nga nila e. Ang kaibahan lang hindi pa talaga nila alam kung anong problema namin ni Borj.

Bago pa kami makarating sa classroom, humarang na sa dadaanan namin si Tonsy kasama si Missy.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now