Special Chapter -

417 28 1
                                    

W-18

AFTER 8 MONTHS

Roni's POV

May check-up ako ngayon, at sasamahan ako ng asawa ko. Paano ba naman, apat na buwan na mula nang malaman kong buntis ulit ako. Nakabuo pala ulit kami ni Borj! Kaya ito, may monthly check-up ako. Bago kami pumunta sa restaurant, magpapatingin muna ako sa OB ko para masigurong healthy ang baby namin. Sa pagkakaalam ko, pwede na rin naming malaman ang gender ngayon, kaya sobrang excited kami.

Napakapilyo kasi ng asawa ko!

Tumira siya, ayon three points! Shooter talaga si Borj!

Ewan ko ba, nasaktuhan pa na tinigil ko ang pagpipills ko noon kaya eto, buntis na naman ako.

Pero okay lang, gusto ko rin namang masiguro na healthy ang baby. Alam kong masaya rin si Borj, kaya naman hindi ako kinakabahan. Ang quadruplets namin - sina Princess, Sofia, Ariel, at Jasmine - excited din para sa bagong kapatid nila. Iniwan muna namin sila sa bahay ng parent ko.

Roni: Hay nako, Borj, parang gusto ko pang humilata sa kama. Ang bigat-bigat ng katawan ko ngayon.

Borj: Eh syempre love, apat na buwan ka nang buntis! Natural lang na nakakaramdam ka ng pagod. Pero kailangan na rin nating gumalaw, baka malate tayo sa OB mo. Dali na love, excited na ako.

Roni: Alam mo ba, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na buntis ulit ako. Nakakatawa talaga, parang kailan lang nung nalaman natin. Ikaw kasi e! Hmp

Borj: Well, technically, ikaw ang tumigil mag-pills, kaya... Alam mo na! Hahaha

Roni: BORJ, ikaw talaga! Hindi ka pa nakontento sa quadruplets natin, gusto mo pang dagdagan. Pero seryoso ha, ikaw talaga, ayon tumira three points! Pasok na pasok e! Hahaha

Tawa pa din siya ng tawa, infairness nakakahawa ang tawa niya. Ang pogi ng asawa ko, parang hindi natanda ang mukha e.

Borj: Shooter kasi ako! Kaya nga mahal na mahal mo ako, hindi ba?

Roni: Sige na, sige na! Gusto ko rin namang masigurong healthy itong baby natin, lalo na't malapit na nating malaman ang gender.

Borj: Ako rin, love. Pero sana, boy na 'to. Para kahit papaano, may makakampi na ako sa bahay. Puro girls na lang e!

Roni: Grabe ka naman love, hindi ka naman namin inaapi no hahaha. Sana nga boy, pero kahit ano pa man, dapat healthy.

Borj: Oo naman, love. Kahit ano pa ang gender, basta healthy ka at healthy si baby, masaya na ako. Lalo na't alam kong makakasama natin ang quadruplets sa pag-aalaga. Excited na din kaya sila. Magiging ate na sila!

Humiling ako kay Borj, kahit ten minutes nalang bago kami kumilos. Tumabi naman siya saakin at yumakap. Naalala ko nanaman kung paano nabuo ang pinagbubuntis ko.

FLASHBACK

May inuman ngayon sila Borj, nasa labas sila sa may garden. Kasama niya ang barkada, pero ang boys lang ang nag-iinom. Tamang chikahan lang ang mga sissy ko, pinatulog ko muna ang quadruplets bago ako bumaba para makipag-bonding sakanila.

Ilang oras na inuman at chikahan lang ang nangyari. Nagpasiya silang umuwi na habang hindi pa sila lasing na lasing. Magda-drive pa sila, lalo na tatlong sasakyan ang dala. Ayaw naman nilang matulog dito, dahil hahanapin sila ng mga anak at pamilya nila.

Borj: Tara love, akyat na tayo.

Roni: Maglinis ka muna ng katawan mo. Amoy na amoy ko ang alak, kaya mo pa ba?

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now