Chapter 4:

338 40 8
                                    

Borj's POV

Nakatanggap ako ng message kay Yuan, nag-aaya daw si Jelai mag-gala. Hindi ko pa kasi nabubuksan ang gc namin, inuna ko ang convo namin ni Yuan. Tinatamad pa naman ako umalis ngayon, parang ayaw makisama ng katawan ko. Ano na kaya mangyayari sa buhay ko, hindi ko pa rin nabubura mga pictures namin ni Jane.

Kahit mga pictures namin dito sa kwarto ko hindi ko pa magawang tanggalin. Hindi talaga siya ganun kadali, hindi madaling itapon lahat ng memories namin.

Hindi madali na balewalain lahat ng pinagsamahan namin.

Hindi madaling mawala agad yung nararamdaman ko sakaniya. Hindi madali lahat. Alam kong bata pa ako at marami pang iba diyan, pero anong magagawa ko kung mismong itong puso ko ayaw magpaawat.

Nakakatanga talaga magmahal!

[ Borj: Kayo nalang muna pare ]

Hindi ako nakatanggap ng reply, siguro umalis na sila. Bumaba muna ako para makakuha ng tubig, kanina pa ako nauuhaw. Sadyang tinatamad lang ako bumaba. Umiiwas din kasi ako sa mga kasama ko dito sa bahay.

Lolo Miyong: Apo, ilang araw na namin napapansin ang pagkukulong mo sa kwarto mo.

Nandito pala sila sa sala, akala ko umalis sila. Narinig ko kasi kanina ang pagsara ng pinto at gate.

Borj: Gusto ko lang po mapag-isa hehehe.

Dumeretso na ako sa kusina, para kumuha ng tubig. Nakasunod naman sa akin si Lola Seling.

Lola Seling: Borj, apo hindi kami sanay na ganiyan ka. Ilang araw kanang puro mukmok at hindi na namin nakakausap. May problema kaba apo?

Borj: Wala naman po la, ayoko lang din po talaga lumabas.

Lolo Miyong: Kung sa iba nagagawa mong magpanggap, saamin ng lola mo hindi.

Alam naming may problema ka, pero hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo magkwento. Nandito lang kami ng lola mo, nag-aalala kami sayo e. Hindi kami sanay na ganiyan ka.

Borj: Sorry po, magsasabi po ako sainyo pag kaya ko na.

Lola Seling: Hihintayin namin yung araw na 'yon. Ipagdadasal ko na sana kung ano man ang problemang kinakaharap mo malampasan mo.

Borj: Salamat po sainyo.

Umupo ako sa sala, habang nakatingin lang sila saakin.

Borj: Huwag po kayong mag-alala, ayos lang po talaga ako.

Lola Seling: Ang hirap paniwalaan, pero ano pa nga bang magagawa namin. Maiwan ka muna namin, may bibilhin lang kami sa bayan.

Borj: Mag-iingat po kayo!

Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Bakit kung kailan, kailangan ko na magmove-on tsaka pa bumabalik lahat ng happy memories namin.

Hindi ko matanggap na yung dating Jane na nililigawan ko, paunti-unting nagbago simula nang sinagot niya ako.

Tandang-tanda ko pa kung paano ako mahumaling sa mga ngiti niya. Kung paano nagpakilala sakaniya, noong una nagh-hesitate pa siya pero sa huli nakuha ko din ang loob niya.

Nanligaw ako at sinagot niya ako. Hanggang sa nag 1st monthsary kami, ang saya-saya pa namin. Pero pagkatapos nun napansin ko na nag-iiba na siya. Nagiging bossy na siya, gusto niya lagi siyang nasusunod. Pero meron din yung time na sobrang sweet niya saakin at grabe siya mag-alala.

Nung tumagal-tagal na kami, lalo ko nakita ang ugali niya na lumalayo na kung paano ko siya nakilala. Masakit sa totoo lang, pero tinanggap ko lahat 'yon. Kasi nga mahal ko.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now