Borj's POVNauna akong magising sa lahat. Grabe yung asaran at kulitan namin kagabi, kaya inaasahan ko na late magigising ang iba saamin. Ubos na ubos energy namin, lalo na ang girls puro pa naman sila tawanan kagabi.
Nakapaghilamos at tootbrush na ako, kumatok sa kwarto namin kanina si tita Marite nasaktuhan na ako ang gising na. Kailangan pala niya ng makakasama sa pagprepare ng umagahan, gusto niya kasi magluto. Nagpresinta ako na tutulong ako, kahit papano naman may alam ako sa pagluluto.
Tita Marite: Borj, ikaw nalang magprito, nakaready na diyan yung hotdog, tuyo, at itlog. Ako na bahala sa sangag at soup.
Borj: Nahiwa na po ba yung mga gulay para sa soup?
Tita Marite: Hindi pa nak, ako na din bahala doon. Alam mo mabuti nalang maaga ka nagising, ang tito charlie mo kasi tulog pa din. Nasanay pa naman sila Yuan at Roni na pagka gising kakain na agad, hindi na sila mag-aantay ng matagal. Salamat Borj ha!
Borj: Wala po 'yon, baka napuyat din po.
Tita Marite: Ewan ko sa tito mo, busy sa cellphone niya kagabi kaya nauna na ako natulog.
Borj: Tita ang swerte naman po nila Roni sainyo.
Tita Marite: Ganito din kasi ang mga lola't lola nila, kaya na-adapt ko. Madalas buhay prinsesa at prinsipe sila pag umaga.
Borj: Ang sweet naman po.
Tita Marite: Pwede ka naman pumunta sa bahay pagka gising mo ng umaga, welcome ka doon sa bahay.
Borj: Maraming salamat po!
Sinimulan ko na kumilos, para mabilis din kaming matapos. Basic lang naman ang pagpiprito, nakakatakam lang dahil ang babango ng niluluto ko. Additional bayad pala dito sa kusina, hindi kasi 'to sakop ng binayaran naming dalawang room. Kagabi palang ay nagpa-reserved na si tita, para makapagluto kami.
Hindi din siya nahirapan na maghanap ng mga pwedeng lutuin dahil madaming bilihan sa tabi-tabi. Kaya pala ang bait ni Roni, mabait talaga ang parents niya. Namana niya ang ugali nila tito at tita, nakakatuwa na nakakagaan sa pakiramdam dahil nagiging close ko din ang parents niya.
Pagkatapos ko magluto, pinabalik na niya ako sa kwarto tatawagin nalang daw niya kami pagkakain na. Tapos naman na siya maghiwa ng mga gulay at nalinis na ang karne na maliliit para sa soup, kaya magluluto nalang si tita.
Tulog pa din ang iba, si Missy at Jelai palang ang gising. Hindi ko muna sila pinansin dahil mga tulala pa, lalo na si Jelai ang taray tignan. Magkakatabi sila sa kama, kami nila yuan ay dito sa lapag natulog.
Titignan ko kung totoong walang magbabago sa pakikitungo saakin ni Roni. Kagabi ay okay naman lahat, sana ngayon ay ganun pa din. Kahit ako nabigla ako sa pagtatapat ko kagabi, pero para saakin okay na din 'yon.
Isa sa pagsasabi ng totoo ang dala-dala ko araw-araw, lalo na pagdating kay Roni. Gusto ko totoo lahat, ayon din ang paraan ko para malaman kung ano yung mga next step na gagawin ko. Para hindi ako masyadong nangangapa, para alam ko kung paano ko iha-handle lahat.
Atleast alam niya kung anong tumatakbo sa isipan ko, kaunting panahon nalang makakaamin din ako ng walang ibang iniisip. Ayoko madaliin lahat, may nararamdaman na ako sakaniya kahapon ko lang naamin sa sarili ko, pero hindi pa siya yung buo.
Sinusunod ko din yung three months rule, wala akong pake sa ibang tao. Sadyang iniingatan ko lang si Roni, ayoko na maipit siya, ayoko na pag-isipan siya ng mga tao ng mga hindi maganda.
Ayokong makakarinig siya na kakagaling ko lang sa break up tapos ine-entertain na niya agad ako. Ayoko ng ganun.
Basta ang alam ko masaya ako pag kasama ko siya. Napapangiti ako pag nakikita ko siyang nakangiti, at kinakabahan naman ako pag tahimik siya at seryoso. Ganun ang epekto saakin ni Roni, pero kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sakaniya..

YOU ARE READING
Ikaw At Ako [Completed]
Hayran KurguAnother boni story! "Madaming iba diyan, tigilan mo na ako" - Roni ©All Rights Reserved