Chapter 19:

348 28 2
                                    

FAST-FORWARD

Borj's POV

Graduation day ngayon ni Roni. Ang bilis talaga ng araw, parang kahapon lang kami nila Tonsy, Yuan, at Junjun ang grumaduate. Pero kung iisipin last year pa talaga 'yon. Ngayon naman, ang prinsesa namin ang aakyat sa stage para kunin ang kanilang diploma, tanda ng kanilang pagtatapos.

Sobrang proud ako kay Roni. Puro siya reklamo about acads, pero nagagawa naman niya lahat. Natatapos niya mga school works niya, nakapag-OJT siya ng maayos, at wala siyang mababang grades. Hindi na ako magtataka kung may award pa siyang makuha, kahit lagi niyang sinasabi na 'di siya ganun katalino. Pero alam ko naman ang totoo, masipag siya at matiyaga, kaya natural lang na magbunga ang mga pinaghirapan niya.

Bihira lang kasi siya humingi ng tulong sa akin, lalo na nag-start na ako mag-work simula noong naka-graduate ako. Pero kahit ganun, never ako nawalan ng oras para sa kanya. Kahit nga hindi niya sabihin na puntahan ko siya, pinupuntahan ko pa rin siya.

Kilalang-kilala ko na kasi ang girlfriend ko. Kahit malungkot siya at madaming iniisip, hindi niya hinahayaan na pati ako mamroblema. Kaya ako na lang ang gumagawa ng paraan. Alam ko na sa simpleng pagpunta ko sa kanya, at pag-aya ko lumabas, nababawasan ang mga iniisip niya.

Minsan naman siya ang bumibisita sa akin. Pag niyakap niya ako agad, alam ko na may problema siya. More on acads lang naman, wala nang iba. Natatawa nga ako minsan, kasi kahit pagod na siya, todo parin ang effort niyang hindi ako pabigatin. Pero alam ko, may mga pagkakataon na kailangan niya lang ng oras para huminga.

Nandito ako ngayon sa restaurant na pinatayo namin ni Tonsy, dumaan muna ako bago pumunta sa graduation. Mamaya pa naman ang ceremony nila Roni, kaya may oras pa akong makapagpahinga. Hindi ako makakasabay sa kanila papunta sa venue kasi busy pa ako dito, pero sinabi ko kay Roni na on time, nandon na ako. Ayoko kasing malungkot siya o isipin na hindi ako dadating.

Habang nakaupo ako sa isang sulok ng restaurant, naalala ko bigla yung mga pinagdaanan namin. Si Roni, parang ako rin noong nag-aaral pa. Madalas nag-o-overthink, pero nakakaraos din naman sa dulo.

Natatandaan ko nung una ko siyang makita, hindi ko pa alam na siya na pala ang magiging kasama ko sa maraming taon. Noon pa lang, alam ko na na may kakaiba sa kanya. Hindi tulad ng iba na madaling masilaw, siya 'yung tipo ng tao na tahimik pero mapapansin mo. Kumbaga, may dating kahit simple lang.

Biglang dumating si Tonsy, dala ang mga papeles ng restaurant.

Tonsy: Pre, ready ka na mamaya?

Ini-aabot niya sa akin ang ilang dokumentong kailangan kong pirmahan.

Borj: Oo naman, syempre. Hindi ko 'yun papalampasin. Kahit ano pang mangyari.

Tonsy: Hindi na rin ako makakadaan mamaya. Ako nang bahala dito sa restaurant.

Borj: Salamat, pre. Alam mo naman, special day ni Roni ngayon. Ayoko siyang mabitin, baka lumungkot ang prinsesa ko.

Tonsy: Baka nga iyakan ka nun kung na-late ka pa hahaha.

Borj: Alam mo naman yun, ayaw ng pabebe pero madamdamin.

Natahimik kami saglit. Napaisip ako kung ano ang magiging reaksyon ni Roni mamaya. Alam kong hindi niya aaminin, pero malamang sa loob-loob niya, excited na rin siyang makita ako sa venue. Iba kasi kapag nandoon ka para suportahan yung mahal mo. Kahit simpleng bagay lang, malaki na ang impact nun sa kanya.

Lalo na ilang araw na din kaming hindi nagkikita. Nakakamiss siya sobra! Gusto ko na siyang makita at mayakap.

Makalipas ang ilang oras, nagpaalam na ako kay Tonsy at diretso na akong pumunta sa venue ng graduation. Wala nang traffic dahil tapos na ang rush hour, kaya mabilis akong nakarating. Pagdating ko doon, nakita ko na si Yuan, kasama ang mga magulang nila.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now