Roni's POV
Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ko ang apat naming anak na abala sa paglalaro sa sala. Sina Princess, Sofia, Ariel, at Jasmine ay dalawang taong gulang na ngayon, at everyday, lalo silang nagiging akctive at malikot. Ang dating mga baby na inaalagaan namin ay unti-unti nang natututong maglakad at magsalita. Pero paunti-unti pa lang ang mga salita nila, ang cute nila sobra!
Si Princess ang pinaka-active sa apat, laging nangunguna sa kahit anong laro hindi nauubusang ng energy. Si Sofia naman ay mahinhin, pero minsan bigla na lang kaming matatawa dahil sa mga ginagawa niya. Si Ariel, ang aming little adventurer, ay laging nag-eexplore ng kahit anong bagong bagay na makikita niya. At si Jasmine, ang bunso, ay clingy at mahilig makipaglaro pero laging malapit sa akin.
Roni: Love, ready na ba ang mga gamit nila? Excited na akong ilabas sila sa park, matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapasyal nang buo.
Borj: Oo love, nakaayos na lahat. Pero yung mga bata, ang hirap pa rin patigilin sa paglalaro!
Tumingin ako kay Borj, na abala sa pagsusuot ng sapatos ni Ariel. Ang asawa ko, kahit medyo pagod na, ay hindi pa rin nawawala ang pagiging hands-on sa mga anak namin. Napangiti ako, iniisip kung gaano kami kaswerte na magkasama sa pag-aalaga sa aming apat na makukulit na anak.
Roni: Let's go, mga mahal! Pupunta na tayo sa park!
Excited na sumigaw ang mga bata. Pag naririnig nila ang park, alam na agad nila na lalabas kami. Matatalino ang mga anak namin, mabilis silang matututo at makaintintindi.
Si Princess ang unang tumakbo palapit sa akin, sabay hawak sa kamay ko. Si Sofia, na laging tahimik, sumunod na rin. Si Ariel, na abala pa sa pagsuot ng sapatos, nagpakarga na lang kay Borj. At si Jasmine, na clingy as ever, nakapulupot na sa binti ko habang patawang tumitili.
Pagdating namin sa park, agad kaming umupo sa ilalim ng isang malaking puno. Perfect ang weather, hindi masyadong mainit, hindi rin malamig. Saktong-sakto para sa araw na 'to. Agad namang nagtakbuhan ang mga bata papunta sa playground, habang sinisiguro ni Borj na sinusundan sila.
Borj: Love, look at Princess. Sobrang likot ng anak natin, parang di napapagod!
Tumingin ako at napangiti habang pinagmamasdan si Princess na nagtutulak ng swings. Si Ariel naman, abala sa pagtakbo paikot-ikot habang si Sofia ay tahimik na nakaupo sa sandbox, masayang naglalaro ng buhangin.
Si Jasmine, tulad ng inaasahan, ay nakaupo lang sa tabi ko, pinapanood ang mga kapatid niya. Hinaplos ko ang kanyang buhok at binulungan siya.
Roni: Don't worry baby, ikaw din makakapaglaro mamaya.
Lumapit si Borj sa akin at naupo sa tabi ko. Sandali kaming tumigil, pinagmamasdan ang mga anak namin na masayang naglalaro sa park. Ang kukulit, at hindi napapagod.
Roni: Love, ang sarap nila panoorin. Parang ang sarap bumalik sa pagkabata no.
Borj: Oo nga, love. Kahit minsan pagod na pagod na tayo, isang ngiti lang nila, sulit na lahat. Iba talaga yung energy na naibibigay nila saatin.
Maya-maya lang, dumating na ang barkada.
Base palang sa mga chat nila kagani, halata na ang excitement nila na makita ulit ang mga anak namin. Masaya silang sumalubong sa mga bata at tinulungan kaming bantayan ang mga 'to.Kuya Yuan: Ang laki na ng mga anak ninyo, grabe! Parang kailan lang baby pa sila!
Missy: Oo nga, at sobrang cute nilang lahat! Mas pansin na ngayon mga pisngi nila, namana talaga sa mommy.
Borj: Napansin din namin yan, ang bibilog ng mukha e no. Mga mini Ronalisa talaga hahaha.
Junjun: Pre, sino ang pinaka-makulit sa apat?
YOU ARE READING
Ikaw At Ako [Completed]
FanfictionAnother boni story! "Madaming iba diyan, tigilan mo na ako" - Roni ©All Rights Reserved