Roni's POV
Pang-apat na araw na namin dito sa beach, hanggang ngayon hindi ko pa din masyadong kinikibo si Borj. Narealize ko kasi na nakakatakot pala talaga mahulog ng tuluyan. Everyday kinukulit niya ako, kaunting imik lang ang natatanggap niya saakin.
Gustong-gusto na niya ako makausap, pero ako hindi pa ako ready. Parang anytime kasi magkakaroon ng aminan saamin. Ayoko pa mangayari 'yon, masyadong mabilis.
Madami pang araw, gusto ko makapag isip-isip muna, pero hindi ko magawa dahil panay buntot saakin si Borj. Bukas uuwi na kami, hindi ko alam kung anong mga mangyayari.
Natanggap ko na kasi talaga sa sarili ko na medyo nagselos din ako dahil nalalapitan siya nung mga babae, lalo na nung Angel. Ayaw paawat e, kahit nga sila kuya nakakausap na niya. Iniisip ko tuloy kung hanggang sa pag-alis ba namin, ganito pa din. Hanggang ngayon kasi nandito pa din sila, kaya nakakagawa sila ng paraan para lapitan ang barkada.
Ito namang mga lalaki, grabe ang kamanhidan o sadyang gusto lang nilang napipikon kami at nagseselos. Bahala sila diyan, kung ako mataas ang pride pagdating sa mga ganitong bagay, paano pa kaya yung dalawa? Goodluck nalang talaga sakanila.
Lalo na ngayon, pinapanood lang namin sila kung paano sila makihalubilo at makipag tawanan sa mga babae. Hindi manlang sila makuha sa tingin at irap e.
Jelai: Mga sis, gusto niyo gumanti?
Missy: What do you mean sis?
Roni: Mukhang alam ko 'yang tumatakbo sa isip mo. Wait sisimulan ko na.
Jelai: Go sis, sasabayan ka namin.
Roni: BRY!
Papalapit kasi sa pwesto namin ang grupo nila Bry, sa pagtawag ko kay bry naagaw ko ang atensyon nila Borj.
Ganiyan nga. Akala niyo kayo lang may kayang mang-inis diyan.
Bry: Hi Roni, hindi namin kayo nakita kahapon.
Ky: Kamusta kayo girls?
Kurt: Drinks? Gusto niyo?
Ken: Tara jamming mamaya?
Jelai: Kalmahan niyo lang hahaha.
Roni: Okay lang naman kami. About sa pag-aaya niyo na magjamming, anong oras ba 'yon?
Bry: Mamayang gabi, kung free lang naman kayo.
Missy: Feeling ko hindi, pero pwede tayo mag ice coffee mamayang hapon.
Pagkasabi ni Missy ay lumapit agad si kuya sa pwesto namin. Nagsi-sunuran naman ang tatlong unggoy. Iniwan nila ang mga kausap nilang babae.
Ayan, ganiyan. Tama lang 'yan.
Kitang-kita ko kung paano umirap yung Angel, kapal ng make up akala mo magka-clown sa birthday party e.
Nasa dagat tapos naka make up ng makapal? Like, eww so weird ha. Hindi pa bagay sa swim wear niya. Umalis na din sila, mabuti yan naalibadbaran ako sa mga pagmumukha nila.
Kuya Yuan: Hindi kayo pwedeng umalis mamaya.
Bry: Wait-- bakit bawal?
Ken: Sino kaba?
Kuya Yuan: Kapatid ako ni Roni, bakit?
Bry: Ah ikaw pala yung kuya niya. Aayain lang sana namin sila. Iingatan naman namin sila.
Borj: Tsk biglang bait.
Pagpaparinig ni Borj, ngayon naiinis siya? Wow ha! Parang kanina lang ang saya-saya niya makipag-usap sa mga clown na 'yon.
YOU ARE READING
Ikaw At Ako [Completed]
Fiksi PenggemarAnother boni story! "Madaming iba diyan, tigilan mo na ako" - Roni ©All Rights Reserved