Chapter 15:

301 27 4
                                    

Roni's POV

Halos isang buwan na simula nung payagan ko si Borj na ligawan ako. Araw-araw wala siyang palya sa panliligaw at pagpapakilig saakin.

Bumalik na din kami sa dati na sakaniya ako sumasabay sa pagpasok at pati sa pag-uwi namin. Madalas din ako nanonood ng practice nila ng basketball. Madami akong natatanggap kay Borj bawat araw.

May chocolates, flowers, candies, at sweet messages. Pero more on chocolates ang binibigay niya, balak na ata niya akong patabain. Naharana na din niya ako sa bahay, minsan nagpapaalam siya pero madalas nagugulat nalang ako dahil may nag gigitara at nakanta na sa labas ng bahay namin. Lahat ng efforts ni Borj, sobrang na-appreciate ko.

Isa pa sa nagustuhan ko yung late night talks namin on call, kahit nakakapaglaan kami ng oras sa isa't isa araw-araw, nandon pa din yung sigla namin pag gabi na.

Nakakapag deep talk kami sa mga bagay-bagay, hanggang sa isa sa amin hindi namin namamalayan na nakakatatulog na pala kami.

Matatawa nalang kami kinabukasan kasi nakatulugan nanaman ang pinag-uusapan namin. Part na yun ng routine namin ni Borj, at sobrang okay kami don. Minsan nga sinasabi ko sakaniya, hindi pa kami, baka biglang magkasawaan. Umiiling naman siya at tutol siya sa sinasabi ko.

Kung mahal mo, hindi ka magsasawa kahit paulit-ulit pa ang ginagawa niyo.

Nakatatak 'yan sa utak ko, dahil sakaniya mismo galing. Ramdam ko na talaga na totoo na yung assurance at motibo na may patutunguhan lahat.

Siya din nag naging escort ko sa simpleng celebration ng debut ko. Sobrang simple lang talaga niya, dahil mga close friends at family friends lang namin ang nainvite. Sobrang saya ko nung araw na 'yon, lahat sila nag-effort para maganda ang kakalabasan ng birthday ko.

Doon din nagpakilala si Borj, bilang manliligaw ko. Sobrang nakakahiya pero alam ko na worth it lahat 'yon. Walang tumutol, lahat sila masaya.

Pupunta ako kila Borj ngayon, inaya ako nila Lola Seling na mag dinner sakanila. Hindi ko naman magawang tumanggi dahil nakakahiya, tsaka minsan lang naman.

Pagkarating ko dito kila Borj, bumungad saakin ang naka setup na table at may mga rosas sa paligid. May pagkain ding nakahanda at pati narin ang scented candles. Ang romantic ng pagkaka setup.

Napangiti nalang ako, dahil alam kong pakana 'to ni Borj. Hindi pala totoo na dinner kasama ang grandparents niya.

Lumabas galing sa loob ang grandparents niya at may hawak na tig-isang rosas. Ini-abot nila saakin, tsaka sila pumasok ulit sa loob ng bahay. Sumunod na lumabas ay si Borj, may hawak din siyang rosas.

Borj: Tatlong rosas, para sa mahal ko.

Roni: B-borj, akala ko mag dinner tayo kasama nila Lola.

Borj: Sinabi ko lang 'yon, kasi wala akong maisip na palusot.

Roni: Ang effort mo naman. Wait lang babati muna ako ng maayos sakanila.

Pumasok muna ako at nagmano sa grandparents niya, nakakatuwa kasi suportado nila si Borj sa ganitong bagay. Nasabi na din saakin nila lola na botong-boto sila sa'kin. Nag-aantay lang din sila na sagutin ko na ang apo nila.

Pagkalabas ko, ang lawak ng ngiti ni Borj. Madalas kong makita ang mga ngiti niya, pero kakaiba ngayon. May halong kaba at excitement.

Wag kang mag-alala Borj, magiging masaya ka ngayong gabi. Sasagutin na kita Borj.

Roni: Anong meron Borj?

Kailangan mag maang-maangan muna ako. Gusto ko sakaniya mismong manggaling, kunwari wala akong idea. Hay Borj!

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now