W-18Borj's POV
Parehas kaming gising na ni Roni, madaling araw palang. Nakatulog agad kami kagabi pagkatapos namin maligo. Sa sobrang pagod, kahit gustuhin man naming magkwentuhan pa hindi na namin kinaya.
Inaantok pa ako, ayoko naman tulugan ang asawa ako. Ang sarap sa feeling na asawa ko na talaga siya.
Sasabayan ko nalang muna siya, madami pa naman kaming oras. Pwede kami matulog kahit tanaw na ang araw. Dalawang araw pa kaming magstay ni Roni dito, samantalang ang family and friends namin ay uuwi na mamaya.
Borj: Love, hindi kana inaantok?
Roni: Hindi na po, baka maya-maya tutulog ulit ako para naman may lakas ako pag maglilibot-libot tayo dito.
Borj: Maglibang ka, saan cellphone mo? Alas-kwatro pa lang e.
Roni: Ayoko mag gadget love, okay lang naman akong ganito.
Niyakap ko siya at yumakap din siya saakin. Pinaunan ko din siya sa braso ko para hindi siya mangalay.
Borj: Gusto mo lumabas na tayo?
Roni: Pwede naman. Kaso, madilim pa sa labas.
Borj: Madaming pa-ilaw sa labas.
Roni: Tara, feeling ko nga may mga gising pa.
Borj: Tignan natin, baka sinusulit na nila kasi busy nanaman sa mga susunod na araw.
Paglabas namin tama nga si Roni. Nandito pa sa labas ang barkada. Pero mukhang mga okay pa naman sila, may alak na nakaharap sakanila.
Roni: Ang titibay niyo, kanina pa kayo nag-iinom?
Yuan: Nagstart kami ng two o'clock.
Roni: Huh? E ano mga pinag gagawa niyo bago mag 2 am?
Missy: Chikahan lang sissy, syempre minsan lang 'to. Sayang nga wala kayo, natulog agad kayo.
Roni: Napagod na kami e, nakatulog agad kami.
Junjun: Hindi 'yon sayang, pwede pa naman sila sumabay saatin. Umupo na kayong bagong kasal. Inuman muna tayo.
Tonsy: O Borj, tagay na! Sulitin na natin, malapit nanaman tayo maging busy.
Inabutan ako ni Tonsy ng isang bote ng alak, kaya kinuha ko naman. Ganun din ang ginawa ni Jelai, binigyan din niya si Roni.
Ang pait.
Borj: Woah! Wala sa kondisyon katawan ko.
Junjun: Baka mauna ka pang malasing saamin ha!
Roni: H'wag na kayo magtaka hahaha antok pa 'yan, nagising lang din.
Borj: Hindi kayo inaantok?
Sabay-sabay silang nag-ilingan.
Roni: Ang tibay niyo naman, edi hindi tuloy uwi niyo mamaya? Kailangan niyo magbawi ng tulog at lakas ha!
Junjun: Hindi muna kami uuwi.
Jelai: Sasabay nalang kami sainyo, pero wag kayo mag-alala hindi namin kayo iistorbohing dalawa.
Roni: Sira ka sis! Wala lang naman samin kahit dumito muna kayo, kahit sumama pa kayo saamin.
Napatingin ako sakaniya, pasimple naman niya akong kinurot sa tagiliran. Akala ko masosolo ko na ang asawa ko.
YOU ARE READING
Ikaw At Ako [Completed]
FanfictionAnother boni story! "Madaming iba diyan, tigilan mo na ako" - Roni ©All Rights Reserved