Chapter 6
Shit! Parang sasabog yata ang puso ko dahil sa nangyari kanina. Hindi parin maalis sa isip ko kung pa'no ako tingnan ni Edevane at kung pa'no niya tingnan ang labi ko. Hindi rin maalis sa isipan ko ang panglalaki niyang amoy, laki ng kamay at ang katangkaran niya. Putangina, sana lamunin na ako ng lupa ngayon na.
Kung hindi lang sana ako na-slide kanina ay baka hindi iyon inawa ni Edevane. Hindi na niya sana ako tiningnan ng mariin at hindi na niya sana nagawang hawakan ang bewang ko. Nakakainis! I should hate that person, but why is my heart saying otherwise? Its betraying me!
"Ack!" Sigaw ko. Kumuyom ang mga kamao ko at nangatog.
Why the fuck did that happened again? Ah, yes. It happened because I was busy looking at him and I was busy thinking about some things, and I was busy being annoyed by how rude he is to me.
Now, I strangely had one regret. If I had just bid a 'good morning' to them, I wouldn't have experienced something like this.
I'm such a troublemaker.
Habang iniisip ko yun ay hindi ko napansing nakabangga pala ako ng isang maid. Pareho kaming natumba sa sahig. Tumama sa sahig ang pwetan ko, dahilan para humiyaw ako sa sakit.
"Ayan kasi, ang tanga-tanga." Rinig kong sabi ng babae. Tiningnan ko siya ng may gulat sa mukha. "I-I beg your p-pardon?" Tanong ko. Tiningnan niya ako pabalik at inikutan ako ng mata. "Tanga-tanga ka kasi. Hindi ka tumitingin sa daan, ayan tuloy—nabangga mo na ako, at natapon na yung dala ko. Tsk." Naiinis niyang sabi.
Napatingin akonsa plato na hawak niya. Walang laman iyon, kaagad akong tumingin sa sahig at nakita kong may mga cookies at biscuits. Nadumihan na iyon.
Napalunok ako.
"I-I'm sorry." Sabi ko. Tama rin naman kasi, tanga-tanga rin naman kasi talaga ako. Sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari sa'ming dalawa kanina ay nawala na isipan ko na naglalakad pala ako sa kahabaan ng hallway papunta sa right wing ng mansyon.
"Tsk. Sa sunod kasi, tumingin ka sa daan. Huwang kang umaktong bulag dahil hindi ka bulag, unless nalang kung umaakto kalang na hindi ka bulag, pero ang totoo, bulag ka talaga. Which is which?" Sarkastikong tanong niya at tsaka tumayo at tiningnan ako na parang nanliliit siya sa'kin. Nakataas ang kanang kilay niya at halatang naiinis talaga siya sa'kin.
Napalunok ako.
"I-I'm sorry. P-Pupulutin ko nalang 'to lahat." Sabi ko at tsaka akmang kukunin ang mga cookies at biscuits na nahulog sa sahig, nang tadyakan niya ng malakas ang kamay ko, gamit ang matulis niyang heels. Napahiyaw ako sa sakit at napalayo sa kanya. Makaraan ang ilang segundo ay nakita kong lumabas ang dugo mula sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa, pero isa lang ang masasabi ko...galit siya sa'kin at ayaw niya ako.
"Huwag mo na yang hawakan. Alam mo nang madumi yan at nahulog na siya sa sahig, kinuha mo pa. You're dirty." Aniya. Pagkatapos no'n ay humugot ulit siya ng hininga at tsaka umalis.
Naiwan akong nakaupo sa sahig habang umiiyak at nanginginig ang kamay dahil sa sugat na natamo ko.
Tumayo ako at saka naglakad paalis. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Unang araw ko pa ito sa bahay ni Edevane pero parang nararamdaman ko na ang abusive behavior ng mga tao. Kahit gustuhin ko nang umalis ay hindi ko magawa. I still need to work as a helper so that I can get that money, save that money and ultimately pay Edevane the debt that my parents had on him.
YOU ARE READING
behind every summer
General FictionDashwood Howe must find joy and purpose in life again after being abandoned by his own family. But how can he find that desire despite being hurt along the way? *** After he was abandoned by his own parents, Dashwood Howe is now homeless and is forc...