Chapter 7
Maaga akong nagising kinabukasan. Kahit antok pa ako ay pinilit kung tumayo for the sake na ngayon ang unang araw ng trabaho ko bilang katulong sa bahay. Kinusot ko ang mga mata ko at tumayo sa kama. Nag stretching muna ako saglit tsaka ko inayos ang kama ko.
Sa totoo lang, I feel nostalgic about this place. I mean, dito na kasi ako natulog nang ilang araw (as what Edevane said), and mas okay dito dahil malamig at malambot ang kama. I'm not saying that I don't like the maid quarters. Honestly I find the maid quarter rooms more comfortable than where I am staying right now...but I can't succumed to the fact that I became more used to sleep here than in the maid quarters.
But what can I do? Its Edevane's request. This is a guest room. And only guests are allowed to stay in this room. And since I'm already working as a house-helper, I need to be with my fellow helpers too. Hindi yung naiiba ako. I won't break the order and the arrangement. Kapag nangyari 'yon, I need to adjust again.
And yeah, thinking about my fellow house-helpers makes me scared in some way, not because I'm intimidated by their auras, but because of my experience with them. Dalawang araw palang ang nakakaraan pero grabe na ang dinanas ko sa kanila. Hindi pa gumagaling ang sugat na natamo ko. And my wound is the only testification that I'm scared of them now, that I need to be vigilant because they might plot my downfall in the future.
If that happens, I'll prepare myself for whatever that may happen.
Pumunta ako sa loob ng banyo at tsaka naligo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ako, para magbihis.
Tiningnan ko ang bintana. Madilim pa sa labas at wala pang bakas ng anino ng araw kaya alam kong malayo pa ang pagsikat ng araw.
Bago ko sinuot ang maid dress ay tiningnan ko muna ang cellphone ko. Alas tres pa pala ng umaga. Ang aga ko naman. Napabuntong-hininga ako at tsaka binuksan ang cellphone. Nag browse muna ako sa mga social media ko. At yun nga, nalaman kong ni-remove na pala ako ni papansa group chat naming magpapamilya. Last week niya ako niremove. Yung ibang group chat naman kung sa'n meron ako ay niremove narin ako. Na-block rin ako ng mga magulang ko at ni ate Aya. Tanging mga contacts nalang mula sa ibang hindi kilalamg tao ang nasa messenger ko.
Bumuntong-hininga ako at pinatay ang cellphone at nilagay sa study table.
Umupo ako sa kama ko at tsaka do'n bumalik ang lahat ng mga naranasan ko noon. Huminga ako ng malalim dahil paisa-isa nilang tinutusok ang puso ko. Dahil sa sobrang pag-iisip ko sa mga iyon ay hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Dali-dali kong pinunasan ang luha ko gamit ang towel, pero sa kasamaang palad ay hindi ko magawang hindi tumigil sa pag-iyak. Tangina, kapag nagpatuloy 'to, siguradong mamamaga talaga ang mga mata ko mamaya. Tagal pa namang mawala ang maga sa mga mata ko kapag umiiyak ako, kaya ayaw ko talaga na umiiyak ako dahil ito talaga ang sasapitin ko.
Nakakatangina.
Pero wala na akong magagawa. Umiyak na ako, and its up to me kung pa'no ko 'to ihahandle.
Tumayo ako sa kama at tsaka sinuot ang boxers ko at ang maid dress. Pagkatapos no'n ay pinatay ko ang aircon, nilinisan ang buong kwarto. Since ngayon na ako lilipat sa maid quarters, sinigurado kong maayos ang kwarto at walang naiwang mga dumi, pati narin sa loob ng banyo. Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng mga kalat ay nag spray ako ng air freshener para mabango ang buong paligid.
YOU ARE READING
behind every summer
General FictionDashwood Howe must find joy and purpose in life again after being abandoned by his own family. But how can he find that desire despite being hurt along the way? *** After he was abandoned by his own parents, Dashwood Howe is now homeless and is forc...