Chapter 8
Nang matapos na kumain si Apollo ay hinatid ko siya sa labas ng subdivision para makasakay siya ng taxi. Tinanong ko sa kanya kung may kotse ba siya para hindi na siya sumakay ng taxi, sabi niya sa'kin wala. Kaya wala akong nagawa kundi bigyan siya ng pera para makasakay siya ng taxi. Hindi kasi siya nabigyan ng pera ni Edevane dahil hindi naman sila nagkita ngayong umaga. Ewan ko ba kung sa'n ng lupalop ng mundo yun nilagay. Siguro naghahanda siya para sa kanyang business trip.
"Mag-update ka sa'kin mamaya kung tapos ka na at kung nakasakay ka na ng jeep or taxi. Mag update ka rin kung may lakad ka mamayang hapon." Payo ko nang makasakay siya ng taxi. "Yes, okay." Sagot niya tsaka sinarado ang pintuan ng taxi. Makalipas ang ilang segundo ay humarurot na paalis ang taxi. Napabuntong-hininga ako pagkatapos. Hay, sa wakas. Tapos na ang trabaho ko kay Apollo. Nalinis ko na ang kwarto niya. Mag s-spray nalang ako ng air freshener para pagbalik niya galing school, mabango ang kwarto niya.
Napagdesisyunan kong bumalik ng mansyon dahil gigisingin ko pa yung kapatid ni Apollo na si Holland.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ako ng isang puting ford mustang. Tumigil ito sa harapan ko, pero sa kasamaang palad ay tumama ang gulong nito sa isang maruming tubig kaya natalsikan ako. Bigla akong nagulat at dali-daling napatingin sa suot ko. Natatakpan na ito ng putik ngayon. Ang kaninang malinis na suot kong maid dress ay nadumihan na.
Tangina.
Kaagad akong naglakad papunta sa sasakyan at tsaka pinagsusuntok ang matibay na salamin nito. Kalaunan ay bumaba rin ang bintana at nakita ko si Edevane. Muntikan ko pa siyang matamaan ng mga kamao ko.
"Looks like you're skilled in boxing." He asked, smirking. Tinanggal niya ang kanyang shades at nasilayan ko ang gwapo ng pagmumukha niya. Bigla nanaman akong namula. Tangina, parang iba na 'tong pakiramdam ko sa kanya. Naaalala ko nanaman kasi yung nangyari nung nakaraang araw na sinalo niya ako gamit ang mga malalaki at malalakas niyang mga kamay para hindi ako matumba. Tangina, kung babae lang sana ako ngayon ay malamang natikman ko na siya, at malamang natikman na niya rin ako. Fuck. I'm so enraged.
"Are you blind, perhaps?"
Napalitan kaagad ng inis ang sistema ko nang marinig ko yung tanong niya. Of course, na-offend rin ako dahil siya naman 'tong may kasalanan tapos binibintang pa niya sa'kin.
"Tsk. Don't ask me that kind of question. Nadumihan mo ang suot ko!" Sabi ko sa kanya. Kung emoji lang sana ako ngayon, ganito na ang mukha ko: "🤬", at nagliliyab na sana ang ulo ko na parang si Anger mula sa Inside Out.
"Oh, I'm sorry. Ang lapit mo kasi sa daan. I wasn't anle to noticed." Sarkastikong sagot niya.
Aba! Siya na nga tung may kasalanan sa'kin, siya pa 'tomg sarkastikong sumasagot sa'kin?! Kapal ng mukha! "Hoy lalaki. Huwag na huwag mo akong sarkastikuhan ng boses dahil unang una, ikaw yung bumasa sa'kin. Alam mo namang nakakita ka ng maruming tubig sa daan, sinadaya mo pamg tamaan yun para matalsikan ako at madumihan." Ani ko.
Inikutan niya ako ng mata. Aba!
"Hey. Don't answer your master like that. I was the one who welcomed you to the house and let you work for me so that you can have an income dahil pinalayas ka sa bahay niyo. Magpasalamat ka nalang dahil malaki ang sweldo mo kada buwan para mabayaran mo ang utang ng pamilya mo sa pamilya namin, hindi yung nagagalit ka. Suntukin kita diyan, eh." Seryosong sabi niya. He did even glare at me. Fuck, as if I'll be scared.
YOU ARE READING
behind every summer
General FictionDashwood Howe must find joy and purpose in life again after being abandoned by his own family. But how can he find that desire despite being hurt along the way? *** After he was abandoned by his own parents, Dashwood Howe is now homeless and is forc...