Chapter 31

28 3 0
                                    

Chapter 31

Habang nakaupo ako sa loob ng sasakyan, naramdaman ko ang malamig na hangin ng aircon na tumatama sa aking balat. Tahimik kaming naglalakbay ni Edevane, at di ko mapigilan ang pag-iisip kung saan kami pupunta. Hindi ko siya tinanong agad, pero nang makita kong lumiko siya sa kanan papunta sa Global City, isang kilalang lugar na may mamahaling atraksyon, napilitan akong magtanong.

"Where are we really going?" tanong ko, nakatingin sa mga kalsada habang patuloy siyang nagmamaneho.

Narinig ko siyang humagikhik, tila natutuwa sa aking pagkagulat. "Secret, malalaman mo rin kung ano ang gagawin natin dito," sagot niya, may bahid ng misteryo sa kanyang boses.

Napasimangot ako at napabuntong-hininga. "Ano na namang kalokohan ito?" pabulong kong tanong, pero sapat para marinig niya.

Tumawa siya ng malakas, kaya't hindi ko napigilan ang pagtingin sa kanya. May isang bagay sa kanyang pagtawa na nagpapaalala sa akin kung gaano siya kasaya sa mga ganitong klaseng sitwasyon. "Relax ka lang, Dash," sagot niya habang patuloy kaming nagmamaneho.

Makalipas ang ilang minuto, pumarada kami sa harap ng isang napakagarang restaurant. Napalingon ako sa labas, tinitingnan ang engrandeng disenyo ng gusali at ang mga eleganteng ilaw na nagliliwanag sa buong lugar. Tila isang lugar na dinadayo lamang ng mga mayayaman at kilalang tao.

"Ano to?" tanong ko, naguguluhan. "May kikitain ka ba rito?" Sa isip ko, siguro may mahalaga siyang meeting o kliyente na kailangan niyang kausapin.

Tumingin siya sa akin, may bahid ng ngisi sa kanyang labi. "Nope, we're gonna take our dinner here," sabi niya, tila ba may lihim siyang kasiyahan sa kanyang boses.

Natulala ako sa sinabi niya. "Dinner? Dito?" tanong ko, hindi makapaniwala. Minsan lang kaming lumabas ni Edevane upang kumain, at kung gagawin man namin iyon, hindi sa ganitong klase ng lugar. Sanay ako sa mga simpleng kainan, hindi sa mga mamahaling restaurant na tulad nito. Nagsimula akong kabahan.

"Bakit dito? Pwede namang sa mas simpleng lugar, hindi ba? At tsaka bakit tayo kakain dito? Sa bahay pala? Alam mo ba, ako lang ang taong ginaganito mo sa bahay mo? For fuck's sake I've only been working at your house for about seven, eight months? Mag isang taon pa ako doon, tas ganito na ang sitwasyon. And honestly, it kind of creeps" tanong ko ulit, nagtataka kung bakit bigla niya akong dinala sa isang napakamahal na restaurant.

"I wanted to treat you," sagot niya, walang alinlangan sa kanyang boses. "Minsan lang ito. Gusto ko lang gawin itong espesyal."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Napatitig ako sa kanya habang binubuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas. Bago ko pa maitanong ang iba pang katanungan, naramdaman ko na binuksan na rin niya ang pinto sa aking gilid, at inanyayahan niya akong lumabas.

"Tara na," sabi niya, na parang walang anuman ang kanyang ginawa.

Nag-aatubili akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa kanya papasok sa restaurant. Nang makarating kami sa loob, sinalubong kami ng isang waiter na bihis na bihis. "Good evening, sir's. Do you have a reservation?" tanong nito, tila sanay na sa mga bisitang kagaya ni Edevane.

"Yes, under the name of Edevane Hartigan," sagot niya nang may kumpiyansa. Hindi ako makapaniwalang nagpa-reserve pa talaga siya sa ganitong klase ng lugar.

Pagkatapos kaming ipasok ng waiter, pinaupo kami sa isang mesa na may magandang tanawin ng lungsod mula sa bintana. Tahimik lang ako habang binubuksan ng waiter ang menu at inilatag sa harap namin.

"Order anything you like," sabi ni Edevane habang kinukuha ang menu at nagbabasa ng mga pagpipilian.

Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Napaka-elegante ng mga pangalan ng pagkain, at hindi ko kilala ang karamihan dito. "Hindi ko alam kung anong o-orderin. Maybe ite because its been a long time since I last went into a fine dining restaurant.," pag-amin ko habang palinga-linga sa paligid. Ramdam ko ang presyur ng sitwasyon, lalo na't maraming taong nakasuot ng mamahaling damit ang kumakain din sa paligid namin.

behind every summerWhere stories live. Discover now