"Kung ano man ang nakaraan nya, naniniwala akong mababago ko 'yon. Dahil alam kong hindi sya masamang tao!"
-Wu Xiao Ran
"Sa tingin mo ba magagawa mo akong pigilan dahil isa kang Prinsesa, pwes nagkakamali ka dahil kahit anong gawin mo hinding-hindi mo mababago ang laman ng
puso't isip ko!"-Wang Wei Tian
D-I-S-C-L-A-I-M-E-R
this chinese historical story are made of fiction, all name ,place, dynasties or events used are not true. For typo graphics, or wrong spelling feel free to understand it because all parts/chapters of the story are UNEDITED, this story contain some violence and matured theme so beware of all parts and read it with your own risk...thankie!
For silent reader's, please don't forget to vote and leave a comment, I really appreciate you!
.......
(Tagalog Language)(PROLOGO)
DINASTIYANG ZHOUIsang dinastiyang pinamumunuan ni dating Emperador Wang Guan at sa di inaasahang pagtataksil ay nagkaroon ng isang koronasyon kung saan ang kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Heneral at Prinsepe Wang Zhan ang napagpasyahan nyang pagpasahan ng kanyang trono't korona.
Subalit bago sya pumanaw ay nagiwan sya ng kasunduang kasal sa pagitan ng angkan ng Wu at kanilang angkan,
Kung saan ang anak ng babae ni Heneral Wu Yan ng Yuan ay ipagkakasundong ikasal sa anak ng susunod na Emperador.
Ang anak ni Heneral Wu Yan ay isang Prinsesang nagngangalang Wu Xiao Ran, lumaki sya sa isang marangal na angkan, buong buhay nya ay lumaki syang puno ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang,
Ngunit dahil sa isang pag-aaklas na naganap sa koronasyon ay namatay ang kanyang ama't ina sa digmaam at tanging butihing lola at nagsisilbing amain na lamang ang natirang mahal nya sa buhay.
Sa paglipas ng 14 na taon,
Ay ang paghahanda naman ng buong Palasyo sa paghahanap sa kanya sapagkat sa nalalapit na araw ng kaniyang kasal sa Prinsepeng ipinagkasundong ipakasal sa kanya ay may mga tulisan at mga armadong lalaking dumukot sa kanya,
Ang prinsepeng iyon ay si Wang Wei Tian, ang nag-iisang anak ng sumunod na Emperador na si Wang Zhan, Prinsepe ng Beimo, at Pinuno ng tatlong hukbo.
Tulad ni Xiao Ran lumaki rin sya sa marangal na angkan, pero balot naman ng maitim na kulay ang kanyang nakaraan, dahil habang nagkakaroon nga ng koronasyon ay ang pagkamatay naman ng kanyang Ina sa gitna ng digmaan,
Ito rin ang naging dahilan upang tuluyan syang mag-bago at maging malupit sa iba, maliban sa walo nyang tagasunod, sa ama at sarili nya ay wala na syang pinagkakatiwalaan pang iba,
"malupit sya!" yan ang kalimitang puri sa kanya, totoo naman eh, dahil sa lala nyang magparusa daig pa nya ang isang aso kapag pumapatay, brutal sya kung kumitil ng buhay, at kahit kanyang sariling ama ay hindi sya kayang pigilan,
Dahil may kasulatan sa kanilang angkan na ang unang anak na lalaki ang magiging mas mataas sa lahat kahit isang Prinsepe.
At dahil mula simula ay gustong malaman ni Xiao Ran ang katauhan ng taong ipapakasal sa kanya ay pumayag nga sya sa kasunduan dahil naniniwala syang makakabuti ito alang-alang sa katatagan ng kanilang angkan at kanyang kaligtasan,
Pero bago sila magkita ay tumakas muna sya sa kamay ng mga tulisan at mga armadong lalaking dumukot sa kanya,
At sa tulong ng isang ulat ay si Wei Tian na hindi nya inaasahang kanyang pakakasalan ay sya palang mismong inatasan na hanapin at iligtas siya.
⊂***⊃
Ang isang kasunduang kasal na itinakda sa loob ng mahabang panahon, magawa kayang pag-isahin ang dalawang pusong mag-kaiba ng hangarin?
Ano ang maaaring kalabasan ng kasunduang wala namang kahulugan para sa dalawang taong wala namang ugnayan?
Mabago kaya ng kasal na yon ang isang pusong may malupit na pamamaraan?
Magawa kaya ng kasal na yon na baguhin ang puso ng isang taong puno ng galit at paghihiganti lamang ang nais?
⊂***⊃
I know that I'm not a perfect writer but I always appreciate the people who will support(ing) me in this story.
Always remember that this story are made of fiction, i made it just to entertain the readers, so just sit, relax and read this!...thank you have a great day!
(again: all part(s) of the story are U-N-E-D-I-T-E-D)
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...