Naglilibot-libot sya sa paligid ng maliit na lawa sa hardin, gaya pa rin ng nakasanayan nyang gawin ay maigi lamang nyang pagmamasdan ang lotus na nakalutang roon,
Yon kasi ang nagpapagaan ng kalooban nya dahil bukod sa ito ang kinagigiliwan ng ina ay ito rin daw ang dahilan kaya nabuo ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang,
Papalubog na ang araw ng mga sandaling iyon at unti-unti na ring lumalamig ang simoy roon ng hangin, abala man sya sa paglilibot roon ay may isang bagay ang sumasagi sa isip nya,
Wala iba kundi ang tungkol sa Itinakdang Prinsepe,
Paulit-ulit lang ang bawat senaryong pumapasok sa isip nya ng mga oras na'yon, yon ay ang mga mata nito na walang emosyon kapag tumitingin at tinititigan nya,
Isang tanong lang naman ang laging nasa isip nya mula ng makita at makilala ang Prinsepeng ito eh at iyon ay malaman kung anong katauhan ang meron ito,
Wala syang alam tungkol sa nakaraan nito maging ng angkang kinabibilangan nito, siguro ay dahil iyon sa patakaran na walang anumang makakalabas na balita o kwento tungkol sa nakaraan ng kanilang angkan, pero siguro kapag naging isa na rin syang Wang ay don nya mauunawaan ang lahat,
ano nga bang katauhang meron ito, at parang hindi sya kombinsedo na mabuti itong tao?,para kasing sa mga ikinikilos nito ay daig pa nito ang isang masahol na lobo at mabangis na leon, nakakatakot!...
"Prinsesa, si... P-prinsepe Han Mao, papalapit po sya dito!" natigilan sya ng marinig ang sinabi ni Zhi'ri sa kanyang tabi,
agad syang napalingon sa kanyang likoran ng mapansing may paparating nga tungo sa kanyang kinaroroonan,
tatlong lalaki, at sa tingin nya ay mga tagasunod ito noon pero, mas naagaw ng pansin niya ang lalaking nakasuot ng berdeng kimono at habang papalapit ito sa kanya ay unti-unti itong nagiging pamilyar sa kanya,
Tama ito nga iyon, ito ang lalaking tumulong sa kanya kahapon sa bayan, ito ang lalaking pumigil doon sa mga armadong kalalakihan na nais syang patayin, nasiguro nyang ito yon dahil nga sa berde nitong damit at dilaw na pamaymay sa kabila nitong kamay, tapos ang mga mata nito,
Wala naman sa sarili syang napayuko ng mapagtantong nasa harap na pala nya ito,
"Kayo pala ang prinsepe ng Dao, ipagpaumanhin nyo at hindi ko kaagad kayo nakilala!" yumuko sya ng konti upang magbigay galang dito, habang pansin naman nya ang labis ding pagtataka sa muka nito,
"Ikaw yong... binibini sa bayan?" naninigurado nitong katanungan
"Ganon na nga po, Kamahalan!" rinig naman nya ang mahina nitong pagtawa,
"Wag mo na akong tawaging Kamahalan, 'Han Mao' nalang, sya nga pala, anong pangalan mo at anong ginagawa mo dito?" may ngiti muli nitong tanong sa kanya,
tipid naman syang napangiti, "Ako po si Prinsesa Xiao Ran, Prinsepe Han Mao!" tila mas lalo itong napangiti ng marinig ang kanyang sinabi,
"Prinsesa ka? akalain mo iniligtas ko pala ang buhay ng isang Prinsesa!! aba ikinatutuwa ko na nagkita tayong muli Prinsesa Xiao Ran!"muli na naman syang napangiti sa sinabi nito, masyado naman yata itong magalang sa kanya,
Pero para bang napapaisip sya dahil ipinapakita nito, malayo sa sinasabi sa kanya ni Zhi'ri kanina, kasi muka namang mabait ito...
"Sya nga pala, anong ginagawa mo dito?"
"Ahm, nagpapahangin lang ako dito kasi sabi nila masarap daw ang hangin dito sa hardin!" usal nya,
"Tama ka naman, pero masyado na ring dumidilim at lumalamig, baka magkasakit ka nyan!" napangiti na naman sya sa mga itinuran nito,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Ficción históricaKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...