Kinabukasan,Palasyo ng Wang,
Abala na lahat sa paghahanda sa gaganaping piging para mamaya. Parating na rin ang itinakdang Prinsepe mula sa Timog kaya maaga palang ay ipinagutos na ng Emperador na ayusin ang lugar na pagdadausan mamaya.
Si Ministro Yang ang nangangasiwa ngayon sa lugar habang si Yunuko Yu naman ang nagdadala ng iba pang kasulatan sa Emperador.
Samantalang ang bagong punong Ministro naman ang naglalahad ng kautusan mula Emperador, hindi naman ito ang unang beses na nagutos ito para sa Palasyo ngunit parang kahapon lang ay narito na ang lahat lahat.
Sapat na rin sigurong katibayan yon na talagang napaka-maambisyon nito. Sinuwerte lang sya sa paraang napapayag niya ang Emperador na magtiwala sa kaniya.Pero kaunti nalang at matatapos na ang pagiging maambisyoso niya.
⊂***⊃
Tanggapan ng Punong Ministro,
Presentableng nakaupo habang umiinom ng alak, damang-dama niya ang tagumpay ngayong sya na ang punong Ministro ng konseho.
Tiyak na tiyak na niya sa sarili ang pagasenso ngayong nakukuha na niya ang mga gusto niya at konting galaw nalang ay isusunod na niya ang pagiging isang -Emperador.
"Binabati ko kayo Heneral, ngayon ay maaari nyo ng gawin ang mga ninanais nyo ng walang makakapigil sa inyo..." malawak syang napangiti ng magsalita si Chen Gui,
Sa katunayan tama naman ito. Madali na nga niyang makukuha lahat lahat ng mga ninanais niya.
ibinaba niya ang hawak na kalis tsaka ito tinignan, "Walang dudang magagawa ko rin ang mga bagay na yan at sya nga pala salamat din sa tulong mo dahil kung hindi dahil sayo marahil hanggang ngayon nandyan pa rin ang sagabal na si Ming..."
"Wala yon Heneral at tsaka hindi lang ako ang nararapat ninyong pasalamatan kundi maging si Prinsepe Han Mao..." napataas naman ang kabilang kilay niya at tumingin sa isang mesa kung nasaan ang anak niya,
Narito nga pala ito kanina pa pero tahimik lang at may sariling iniisip.
"Ano bang nagawa niya at kailangan pa?" malamig nyang tanong bago muling tumingin kay Chen Gui,
"Marahil hindi nyo pa po nalalaman pero sya po ang pumatay sa punong tagausig ng palasyo..."
At kung hindi niya ginawa yon malamang nasa piitan kana ngayon.
"Nagkaroon ka rin ng silbi kahit papano..." saad niya,
"Hindi ko naman gustong gawin yon, pinilit lang ako ni kuya!" mahina nitong sagot sa kanya,
"Kung ginagamit mo lang sana yang utak mo edi sana hindi ka niya pipilitin..."
Tumingin naman ito sa kaniya, "Ewan ko sa inyo. Wala pa rin naman siyang napapatunayan pero hangang-hanga na kayo sa kaniya..." agad naman itong tumayo sa kinauupuan at marahang naglakad papunta sa pintuan ng tanggapan,
Magsasalita pa sana siya ng lumabas na ito kaya mabigat syang napahinga.
⊂***⊃
Tanggapan ng Emperador,
Seryoso lamang na nakatuon ang paningin niya sa bagay na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang malapad na mesa. Malamig ang titig niya sa isang halamang unti-unti nang nalalanta sa harapan niya habang ang kaniya namang isang kamay ay may hawak na makintab na palamuti.
Paulit-ulit na mariing pagpikit at pagbuntong hininga ang ginawa niya upang mapakalma ang sarili. Samut-saring emosyon ang nararamdaman niya habang muling nanunumbalik ang mga alaalang hanggang ngayon hindi pa rin niya makalimutan.
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...