Sambahayan ng Katimogang Louyang,Silid ng Itinakdang Prinsesa,
Hindi na bago sa paningin ng iba ang pagbuburda lalo na't kinahihiligan ito ng mga babae ngayon sa panahon nila,
At gaya ng nakagawian niya ay nagbuburda sya habang tahimik na nakaupo sa kanyang kama,
Ngumingiti ang kanyang mapupugay na mata samantalang gumuguhit naman ang matatamis na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig sa bulaklak na kanyang binuburda sa isang puting panyong hawak niya,
Yon ang panyong naglalaman ng alaala ng kaniyang ina at mula pagkabata ay ayaw na niyang malayo iyon sa kaniya. Hindi man halata pero lagi nga niya itong dala-dala.
"Ayan, sa wakas natapos ka na rin.." nakangiti niyang sambit habang tinititigan ang nayaring bahagi, bulaklak iyon ng lotus. Ang bulaklak na kinagigiliwan ng kaniyang ina..
"Kung nandito lang sana kayo, edi sana nakikita nyo din 'to.." mahina niyang sabi sa sarili habang unti-unting pumapait ang kaniyang mga ngiti,
Sa mundong ito mas masakit ngang mawalan ng minamahal, yong mga taong alam mong nandyan lang lagi para damayan ka tapos bigla nalang mawawala. Hindi naman natin maipagkakaila ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil parang sa mga nangyari noon ay sarili niya ang may kasalanan.
At sana lang hindi na talaga maulit pa ang mga bagay na yon...
"Prinsesa!.." dinig niyang pagtawag ni Zhi'ri pagkapasok ng pintuan ng kaniyang silid, dali-dali itong pumunta sa kinaroroonan niya at hingal na hingal na tumabi sa kanya,
"Oh? bakit nagmamadali ka? may nangyari ba?" nagtataka niyang tanong habang nakatitig dito,
Huminga pa ito ng malalim bago humarap sa kanya, "Si Prinsepe Wei Tian po nandyan sa labas ng silid nyo, may sasabihin raw po sya!" parang namamangha pa nitong wika sa kanya,
"N-nandiyan sya sa labas?" tumango ito, labis ang sumaging pagtataka sa isip niya ng malaman iyon,
Pero teka? bakit nga kaya nasa labas ito ng silid niya?
At anong sasabihin nito?
⊂***⊃
"Sasama ka sakin pabalik sa Palasyo!" halos magtigilan pa sya ng sumagot ito,
Kaya pala ito nasa labas ng silid nya ay dahil lang don, pero sandali! Bakit naman?
"Bakit...biglaan naman yata? may nangyari ba?" pagtatanong niya na siayng ikinabuntong hininga nito,
Tama ka Prinsesa, may nangyari nga. Dahil sa tono palang ng pagbuntong hininga nya ay alam nating sobrang lala na.
Hindi ka naman makapagiwas ng tingin dahil hindi mo alam kung saan ka titingin at kung paao ba sya iwasan ng tingin.
Tila sya lang ata ang nakarinig ng tanong niya dahil ibinaling nito ang tingin sa tabi niya o baka naman. Nagiisip?
"Pinatay ang punong ministro at ngayong araw na gagawin ang pag-sisiyasat..." malalim na boses nitong sagot sa kaniya,
Parang bigla syang nagulantang doon ah, sino namang gagawa noon?
"Eh bakit kailangan mo pa akong isama?" nawawalan ng gana niyang pagtatanong pa,
Hindi lang kasi sya komportable na ito na yata ang kusang lumalapit sa kanya,
Matalim na ang tingin na ibinaling nito sa kanya pero sa halip na makaramdam sya ng kakaiba ay sinalubong niya iyon ng di niya namamalayan,
"Tatanggi ka ba sa gusto ko, Prinsesa?" alam na niya ang punto nito, banggitin pa lang nito ang salitang Prisnesa alam niyang katumbas non ang pangalan niya,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...