Pagkalipas ng tatlong linggo,
Kabisera ng Beimo,
Sa Sambahayan ng Katimogang Louyang,
Ilang araw na ang nakararaan, mula ng dumating sya sa lugar na ito ay para bang mas lalo lamang lumala ang bigat ng pakiramdam niya,
Naiilang na sya sa bawat bagay na nakikita niya, sa loob ng tatlong linggo ay para bang mas lalong tumindi ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita ito,
Malawak naman ang sambahayan na 'yon pero iisang lugar lang ang kalimitan niyang pinupuntahan,
Walang iba kundi ang hardin doon sa harapan ng bulwagan,
"Kamahalan, bakit po ang tahimik nyo?" tanong sa kaniya nitong si Zhi'ri habang naglalakad kasabay niya,
saglit niya itong binigyan ng maliit na pagngiti bago tinignan "Wala, may iniisip lang ako..." mahina nyang aniya,
Nalulungkot sya nitong tinignan "Kamahalan, mula po nang dumating tayo lagi nalang kayong ganyan, magsabi lang po kayo!"
tipid na ngiti nalang ang isinagot niya tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad,
'Yong mga nangyari pa rin siguro ang nasa isip niya kaya sya nagkakaganito dagdagan pa ng mga sinabi ni Bai Ying na para bang mas nagpapalala ng kuryosidad niya upang malaman ang katauhan ng Itinakdang Prinsepe,
Oo nga pala, nitong mga nakalipas na araw napapansin niyang lagi na rin itong abala, minsan nalang nya ito makita sa sambahayan nito at kadalasan mga isa o dalawang beses lang sa isang linggo niya ito nakikita,
At kung makakasalubong o makikita naman niya ito ay sa malayo lang dahil madalas ay tagasunod lang nito lagi ang palagian niyang nakikita,
Kaso nitong nakaraang araw nong nakasalubong niya ang walo ay para bang nagmamadali ito roon sa bulwagan, patungo pa nga ang mga ito sa loob ng Empiryo ng Beimo pero hindi naman niya alam ang dahilan dahil ayaw siyang papasukin ng mga kawal nito kaya mas minabuti na lang niyang wag mangi-alam..
Patuloy pa rin sya sa paglalakad ng sandaling iyon at pabalik na sya sa kaniyang silid, naroon na sya sa pasilyo patungo dito ng makasalubong niya ito na papunta naman kung nasaan siya kanina,
Ito na rin ang kusang tumigil sa harap nya na sya namang pagyuko niya, kahit siguro sabihing asawa na siya nito ay nararapat lang na gawin nya yon bilang paggalang dahil ito ang itinakdang Prinsepe at tagapagmana ng trono,
"Kamahalan, hindi ko alam na narito na pala kayo!" panimula niya bago ito tinignan,
"Di na mahalaga 'yon, may bagay lang naman akong nais ibigay sayo!" walang emosyon nitong pagsasabi sa kanya, at napansin niyang may iniabot dito sa ang isang tagasunod,
Mahabang kulay itim na kahon na katamtaman lamang ang laki at ibinigay nito iyon sa kanya, noong una'y nag-aalinlangan syang tanggapin dahil kung tutuusin ay ito ang unang beses na gumawa ito ng ganong bagay,
Pero nawala na yon sa isip niya dahil sa pagkakaalam niya ay ayaw nito ng pinaghihintay,
Tinanggap niya yon bago ito nagtatakang tinignan,
"Ano 'to?" tanong niya na may halong pagtataka,
"Ba't di mo buksan ng malaman mo!" parang namimilosopong sagot nito sa kanya,
Sinunod nalang niya ito at binuksan nga ang kahon na 'yon,
Laman noon ang isang gintong palamuti sa buhok na gawa talaga sa matibay na ginto, pero mas naagaw lang ng pansin niya ang wangis ng dragon na nakaukit dito habang may kulay pulang rubi sa gitna nito at asul na diyamante naman sa bawat palibot ng ng rubi na 'yon,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Fiksi SejarahKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...