Kabanata 03

31 20 0
                                    

Magkatabi pa rin silang dalawa na nakaupo sa kabayo, sya sa unahan at ito naman sa kanyang likoran, ni hindi nga nya magawang lingunin ang lalaking ito eh, balot na sya ng matinding kahihiyan,

Alam nyo ba yong pakiramdam na para bang napako ka kasi ibang tao itong kasama mo?, at ang masaklap pa magkadikit ang katawan nyo,

naiilang man sya ay alam nyang dapat iwasan na nya ang bagay na yon lalo na't ang Prinsepeng kasama nya ay magiging asawa na nya,

Mula sa malawak na kapatagang napapalibutan ng mga naglalakihang puno, ay tanaw na tanaw na niya malaking tarangkahan ng Palasyo ng Wang,

May mga kawal sa labas noon at halatang naghihintay rin sa kanila,
mga ilang metro nalang ang layo nila roon at kita na rin niya ang kanyang... ang kanyang amain at ang butihing nyang taga-silbi,

Napangiti sya ng mapansing kumakaway ang taga-silbi nya, hindi nya maiwasang kabahan, kaba na may halong saya at pananabik,

saya dahil nakita nyang muli ang ilang taong mahalaga para sa kanya, at pananabik dahil mayayakap at muli nyang makakasama ang mga ito,

Sa loob ng ilang araw nyang pagkawala dahil nga naroon sya sa kamay ng mga armadong tulisan, sulit naman dahil ligtas na sya at makakapiling na nya ang mga mahal nya,

ang tanong lang, magiging masaya kaya sya sa pagbabalik nya gayong sa paglipas ng mga susunod na araw ay ikakasal na sya sa lalaking ngayon ay kasama nya?

Tumigil ang kabayo sa paglakad, nasa tapat na pala sila ng malaking pintuan ng tarangkahan, naka-bukas iyon at kitang kita ang mataas na hagdaan papasok ng bulwagan ng palasyo,

naramdaman nya ang pagtanggal ng kamay nito sa gilid ng bewang nya, bumaba na pala ito ng kabayong sinasakyan nila,

"alalayan mo syang bumaba!" dinig nyang utos nito kay Zhi'ri, taga-silbi nya, yon ang kaninang kumakaway sa kanya,

agad naman itong lumapit sa kanya, "halina na po kayo Prinsesa, bumaba na kayo riyan!" nakangiti usal nito sa kanya, mas Lalo syang napangiti ng mapansing sobrang saya nito,

inabot nito ang kanyang kamay bago sya inalalayang bumaba sa puting kabayong iyon ng dahan-dahan,

"Salamat!" nakangiti saad nya rito,

"Wala pong anuman Kamahalan, alam nyo sobrang saya namin dahil ligtas kayong nakabalik, akala talaga namin hindi na kayo ililigtas ng mahal na Prinsepe kahapon eh, seryoso lang sya kahapon at para bang hindi desidido!" napaisip sya sa mga sinabi nito,

ibig palang sabihin kahapon pa silang narito sa Palasyo?, kung ganon napakarami pala talagang nag-alala sa kanya...

"nandito-Apo ko!" Hindi na nya natapos ang kaniyang sasabihin ng bigla syang tawagin ni Lady So Jing, ang kanyang pinakamamahal na Lola,

nasa loob na pala sila ng tarangkahan,

"L-lola!!"

"Apo ko!.. mabuti't ligtas kana!!" naiiyak nitong salubong sa kanya habang dali-daling bumababa ng hagdanang iyon,

Hindi nya maiwasang mapangiti ng mapait dahil sa nakikita nya ngayon, talagang napag-alala nya ito ng lubusan...

sa lahat kasi ng tao, ang Lola nya ang ayaw na ayaw nyang sobrang magdadamdam sa kanya, lalo na ngayon ito nalang ang natitirang alaala ng yumao nyang ama,

Niyakap nya ito ng napaka-higpit at halos hindi na nila bitawan ang isa't isa,

"Maligayang Pagbabalik aming mahal na Prinsesa!!" bungad naman ni Heneral Liu Tang, ang kanyang tinuturing na ama,

"amain!" Masaya nyang pagbati dito, lumapit naman sya at mahigpit din itong niyakap,

Hindi na nila maitago ang mga ngiti nila ng oras na yon, pero sa kabila naman ng mga bagay na yon ay may mga matang nakamasid sa kanila,

LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon