Kabanata 16

21 12 0
                                    

Kinabukasan,

East Louyang Pavilion,

Ito na ang nakatakdang araw na pinili upang pag-isahin sila, mula sa pagsikat ng araw hanggang sa malamig na simoy ng hangin noong umagang iyon ay para bang paulit-ulit siyang pinapapugayan ng mga bulaklak sa kanyang tabi,

Suot niya ang magara at eleganteng pulang kimona na gawa sa mamahaling seda na kumikinang sa liwanag ng araw, tanghaling tapat na at ilang oras na lamang ay magsisimula na ang imperyal na seremonya ng kasal sa Templo ng Zhou sa Bulwagan ng Empiryo,

Mula sa malaking salamin sa harap niya ay kitang-kita niya ang kanyang namumukod-tanging repleksyon, suot niya ang isang gintong kwentas na puno ng maraming perlas, habang nakasabit sa magkabila niyang tenga ang mga kumikislap na gintong hikaw samantalang nakapatong naman sa ulo niya ang isang mamahaling tila isang korona,

Malalim ang bawat hininga niya noon dahil sa kabang nararamdaman, alam naman nating lahat na hindi yon kaba ng kasiyahan o kaba ng pananabik kundi kaba na tila may masama na namang mangyayari,

Mula sa seryoso at tahimik na pagsusuri sa kanyang buong katawan ay ang kanyang magandang muka naman ang kanyang tinignan, mapait syang napangiti sa kanyang isipan ng mapagtanto niyang malungkot pala ang kanyang mga mata, tapos yong mapula at malambot niyang labi ay para bang nais sabihing 'ayoko na' gusto na rin syang pagtaksilan ng kanyang mga mata dahil para bang nararamdaman niya ang pamumuo ng ilang butil ng luha roon na labis nyang ikinailing dahil ayaw niyang ganito ang nararamdaman niya,

Wala na syang magagawa dahil ito na... ito na ang araw na babago sa buhay niya...

Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig nya ng sandaling iyon, hawak nya ang gintong sagisag na may diyamante sa gitna habang roon nakaukit ang simbolo ng 'Beimo'

"Bakit mo pa ako binigyan nito, kung alam mong sa mga kamay mo palang makukulong na ako.." mahina niyang turan sa sarili habang pinagmamasdan iyon, hinawakan niya yon ng pagkakahigpit bago huminga ng malalim...

"Prinsesa, nakahanda napo ang karwahe sa pag-alis natin.. tayo na po!" simple syang lumingon sa tabi niya ng marinig na magsalita ang taga-silbi niya,

"Segi, susunod na ako.." mahina naman nyang sagot na syang ikinatango nito, lumabas ito ng silid na yon habang sya nama'y naiwan pang nakatulala sa malaking salamin na nasa harapan niya..

inilapag niya sa ibabaw ng maliit na mesa ang sagisag na hawak-hawak niya, at isang mariing pagpikit pa ang ginawa niya bago tuluyang umalis ng silid na yon..

⊂***⊃

Naghihintay na ang lahat ng panauhin roon sa labas ng Templo, marami ring nakabantay na kawal sa labas at papasok ng tarangkahan ng bulwagan, samantalang may isang mahaba at malapad namang pulang seda ang nakalatag mula sa tarangkahan hanggang sa pinakataas ng hagdanan ng templo kung saan doon magsisimula ang pag-iisa,

Sa kabilang gilid naman ng Templo ay naroon sina Lady So at Heneral Liu na nag-aabang sa pagdating ng ikakasal, tila ba balisa noon ang Heneral dahil hindi ito mapakali sa kanyang kinatatayuan na sya namang napansin ni Lady So Jing,

"Liu Tang, kanina ka pa paikot-ikot riyan ayos kalang ba?" may pagtatakang tanong nito dito habang ito'y nakatalikod at patuloy pa rin sa paglalakad ng pabalik-balik,

"Ayos lang po ako, may kung ano lang na gumugulo sa aking isipan!" mahina nitong pagsasabi sa matanda na ikinatango naman nito,

"Kumalma ka lang, kasal ngayon ng 'yong anak dapat maging masaya ka para sa kanya!" para bang saglit itong natigilan ng marinig iyon at isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi nito,

LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon