Kabanata 01

61 22 17
                                    

Masukal ang buong gubat na kanyang tinatahak,matataas ang mga puno at hindi madaling makita ang daanan, patuloy syang tumatakbo kahit puno na ng galos ang kanyang katawan,

"Kailangan kong makatakas!" iyan ang paulit ulit na sambit nya sa kanyang isipan, tatlumpo't siyam na armadong lalaki ang humahabol sa kanya, wala syang alam na pwedeng makatulong dahil sa lawak ng gubat na ito swerte nalang ang makalalabas ng buhay,

"Hanapin ang Prinsesa!!"
"Dakpin nyo sya!!" iyan ang paulit ulit na sigaw ng mga lalaking humahabol sa kanya, hinang-hina na ang katawan nya at kahit anong maling galaw maaari syang mawalan ng malay...

Ilang araw na sya sa kamay ng mga tulisang ito, at ng mga nagdaang araw na yon ay ngayon lang sya nagkaroon ng pagkakataon upang tumakas,

aminin na nating takot na takot sya pero anong magagawa nya, masyado nang mahirap ang mga pinagdaanan nya at wala na rin syang malalapitan pa at hindi iyon ang oras upang sumuko sya,

Mula sa di kalayuan dinig na dinig nya ang yabag ng mga kabayo, at ibig sabihin lang non malapit na ang mga ito sa kinaroroonan niya,

nagkalat ang mga dugo sa suot nyang puting kimona, dulot ito ng mga tinamo nyang sugat at galos dala ng matinding pagpapahirap sa kanya,

hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya, unti-unti syang nahihilo pero patuloy pa rin sya sa pagtahak sa lugar na'yon, alam nya sa sarili nyang hindi sya dapat sumuko dahil kailangan nyang makatakas pero habang naglalakad sya para makaiwas sa mga armadong lalaking yon ay hindi nya napansin na naharang sya ng mga ito sa dulong bahagi ng gubat kung nasaan siya...

"Wag ka nang tumakas pa Prinsesa, hindi ka na rin naman mabubuhay pa!" sigaw ng pinuno ng mga ito sa kanya, hawak nito ang matalim at isang makintab na espada...

dahan-dahan ang mga itong lumalapit habang sya patuloy naman sa pag-atras,

"ano bang kailangan n-nyo sakin?!... p-palayain nyo na ako!" pakiusap nya dito, napatigil na sya sa pag-atras ng maramdaman nya ang malaking sanga ng punong nakaharang sa likod nya,

dinig nya ang mahina nitong pagtawa habang nakatitig sa kanya, malabo nga sigurong mapakiusapan nya ang mga ito kahit isa syang Prinsesa,

"sa tingin mo ba palalayain ka namin?... hindi kami hangal upang patakasin ka, pinatay ng ama mo ang kasamahan namin kaya pagbabayaran nyo yon!" sigaw nito sa kanya,

"walang kinalaman ang ama ko sa mga b-bagay na binibintang nyo!...at sa t-tingin tama lang yon dahil m-masasama kayo!" balik nyang singhal sa mga ito, pero sa halip na magpatinag ay parang lalo lamang nagkaroon ang mga ito ng mas matinding galit,

"tumigil kana!... papatayin na kita!" malakas nitong pag-sigaw sa kanya, halatang desidido nga ito sa balak nila, naku! paano na yan?

iniangat na nito ang hawak na espada, matiyaga namang naghihintay ang mga kasama nito sa gagawin nang lalaking ito sa kanya,

ano pa nga bang magagawa nya, eh hinang-hina na sya, madami na ding sugat, wala na syang lakas upang lumaban at tumakas pa, ano pang pagpipilian niya?..... wala na rin namang pag-asa,

habang hinihintay nyang dumampi ang espadang iyon sa anumang parte ng katawan nya ay mariin naman syang napapikit, ayaw nyang makita kung paano sya magtatapos,

mahigpit nyang hinawakan ang laylayan ng kimonanh suot nya, ibig sabihin lang handa na talaga syang mamatay,

tug~ tug~ tug~

ang bilis ng tibok ng puso nya, para bang tinatambol at may nag-nanais na kumawala roon, pero ano pa bang gagawin nya eh mukang huli na ang lahat... para sa mabuhay siya, ito na nga at haharapin na nya ang kanyang kamatayan,

LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon