Kabanata 11

19 11 0
                                    

Pansamatala muna syang bumalik sa kabisera ng Yuan, nais nya muna kasing makita ang Lola So nya at kanyang amain dahil nangungulila na rin kasi sya ng ilang araw sa mga ito,

Nong makarating sya agad doon ay hindi na nawala ang ngiti nya dahil para bang ang tagal nyang nawala nong muli syang umapak dito sa sambahayan nila,

Nakakalungkot kasi dahil sa mga nangyari ay magkakalayo na talaga sila ng pamilya nya at hindi lang yon maaaring may limitasyon na rin ang pagkikita nila pero, sana wag namang mauwe sa pagkakalimutan di ba? kasi m-mahirap yon..

"Lola, kamusta na po kayo? naaalagaan nyo po ba ng maayos ang sarili nyo?" medyo nag-aalala nyang katanungan sa matandang katabi nya roon sa kahoy na upuan sa loob ng isang kubong pahingahan,

"Ayos lang ako apo, at tsaka wag mo na akong isipin malakas pa naman ako eh!" nakangiti naman nitong saad sa kanya na syang ikinangiti din niya,

"Lola, basta wag nyo pa rin pong pababayaan ang sarili nyo, magpahinga kayo at wag mag-papagod hmm?!" hinaplos nito ang buhok nya,

"Xiao Ran, wag ka nang mag-alala sa akin!" hinawakan nito ang kanyang kamay "Gaya ng sabi ko ayos lang ako, hindi ako gagawa ng anumang bagay na ikababahala mo..wag mo na akong alalahanin pa naiintindihan mo ba?" pilit syang ngumiti,

"Kung 'yan po ang nais nyo la, segi po basta't palagi lang kayong mag-iingat ha?" mahina itong natawa sabay tango sa kanya...

"Syempre naman, sya nga pala sa ikaapat na araw na ang kasal nyo ng Itinakdang Prinsepe, napag-usapan nyo na ba?" saglit syang napatigil sa tanong na iyon,

oo nga pala, nalalapit na ang araw nang pag-iisa nila...pero hindi naman sya masaya..

"Pag... uusapan po ulit namin la, kapag hindi na sya abala!" pilit na naman syang ngumiti kahit alam naman nyang sa isang bagay lang mapupunta ang usapan kung pag-uusapan nila iyon ni Wei Tian..

"Ganon ba?" tumango sya "Sa nalalapit nyong kasal dapat lagi ka ring nag-iingat apo dahil baka may magtangka sa iyong buhay...nag-aalala rin ako na baka m-maulit na naman ang nangyari noon!" ramdam nya ang pag-aalala nito na labis nyang ikinailing dahil ayaw nga nyang napag-aalala rin ito,

"Wag na rin po kayong mag-alala lola, ako na po ang bahala saking sarili dahil higit sa lahat ay mas mahalaga para sakin ang kaligtasan nyo..." pareho na naman silang napangiti sa isa't isa,

Hindi talaga nararapat mawaglit ang pagmamahal ng isang Lola 'no kasi parang nararamdaman mo na rin ang pagmamahal ng isang ina,

isang inang hindi gugustuhing mawalay sa anak nya, isang inang uunahin muna ang anak bago ang sarili nya, isang ina na hindi hahayaang mapahamak at masaktan ang anak nya, isang inang gagawin ang lahat para sa anak nya, at higit sa lahat isang inang walang hindi kayang gawin mabigyan lang ng magandang buhay- ang anak nya... eh kaso hindi inaasahang nawala lahat iyon sa kanya....

"Sya nga po pala, si amain nasaan po sya kasi kanina ko pa po syang hindi nakikita?" nagtataka nyang pagtatanong sa kanyang Lola,

"Ang iyong amain, maaga syang umalis kanina eh at mukang mamaya pang hating gabi ang dating nya, pero hayaan mo sasabihin ko na kinakamusta mo sya pagdating nya.. "napangiti syang muli.. iba talaga kapag may mapagmalasakit kang mahal sa buhay...

"Segi po la!" Saad naman niya,

Nong buong maghapon ng araw na yon ay wala silang ginawa kundi maglibang lang, buong araw silang nasa loob ng kusina dahil nais raw nyang tikman ang luto ng kanyang lola, wala syang ibang ginawa kundi manatili sa tabi nito dahil pakiramdam nya kulang ang bawat sandali kapag hindi sila nagkakasama, simple nalang syang ngumiti habang pinagmamasdan itong masaya sa mga ginagawa nya..

LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon