Kabanata 25

16 10 0
                                    


Sambahayan ng Yuan,

Ika-dalawa ng hapon, iksaktong kararating lang ng karwahe sa tarangkahan ng sambahayan,nagmamadali agad syang bumaba dahil sa kasabikang makita ang kanyang pinaka-mamahal na Lola,

Marami na ring ipinagbago ang buong sambahayan mula ng umalis at mahigit isang buwan na rin mula ng umalis sya dito upang doon manirahan sa Katimogang Louyang,

Nakakapanibago nga lang dahil parang hindi na ulit sya sanay, maraming nabago na mga bagay pero ang kaisa-isang nanatili na napansin niyang hindi man lang nagalaw ay ang napakalawak na lawa ng mga lotus sa bulwagan ng kanilang sambahayan,

Naroon pa din ito, gaya ng mga alaala ng kanyang mga magulang...

Habang naglalakad sya sa gilid ng hardin doon sa bulwagan patungo sa tanggapan ng tagapangasiwa ay hindi pa rin niya mapigilan ang pag-aalala,

Hindi maipagkakaila kung gaano niya kamahal ang mga ito, bukod sa ito ang kasama niya noon palang ay sila na lang din ang tangi niyang malalapitan,

"Ate Xiao Ran!!" isang matinis at puno ng pananabik na boses ang tumawag sa kaniya, si Bai Ying na kararating lang kasunod niya,

Nilingon niya ito habang nakaguhit ang isang malalim na ngiti, tumigil muna sya sa paglakad at hinintay na makalapit ito pero, tila ba unti-unting naglaho ang malawak nitong ngiti ng makalapit sa kanya ng mapansin nito ang dalawang lalaking kasama niya,

Pansin niya na muling nangibabaw ang maliliit na tanda ng takot nito, alam niyang dahill iyon sa Prinsepeng yon at lalo na sa mga tagasunod nito pero pinipigilan lamang nitong ipahalata ang bagay na'yon,

May lakas naman sya ng loob kaya habang nandoon ang paningin nito ay sya namang kinuha niya ang pagkakataon upang hawakan ang mga kamay nito,

"Ying, hindi ko inaasahang pupunta ka rin dito! masaya ako't narito ka!"

Agad na palingos ang ibinigay nito ay tsaka pilit ba ngumiti sa kanya, "Ate... narinig ko kasi na may kilosang pagsalakay ngayon sa Timog kaya nagtungo ako rito upang malaman ang kalagayan ni Lady So at Heneral Liu.."

Napangiti naman sya dahil pareho lamang pala sila ng inaalala ngayon, "Pareho pala tayo.. mabuti naman at pinayagan kang makalabas sa Palasyo ng Shan. Masaya ako na ayos ka lang.." gumanti ito sa kaniya,

"Salamat Kamahalan, napaka-buti mo talaga.. Marahil hinihintay na rin tayo ni Lola tayo na ate?!" tumango naman sya,

"Tayo na.." Hawak nila ang kamay ng isa't isa habang naglalakad papasok ngayon sa Tanggapan ng Tagapangasiwa,

⊂***⊃

Tanggapan ng Yuan,

Saglit na napahinto sa pag-inom ng tsaa ang Ginang, muli na naman kasing sumintog ang kanyang ulo kaya napahawak siya rito,

Kaunting pangingirot ang naramdaman niya sa kanyang may sintido na unti-unti rin namang nawala ng haplusin niya ng kaunti,

"Pagod lang ito..." aniya,

Ilang ulit na niyang nararamdaman ito nitong mga nakaraan at hindi naman niya alam ang dahilan sapagkat hindi pa siya nagpapasuri sa manggagamot,

Ayaw din naman niyang makarinig ng kung ano sapagkat baka marami pa ang mag-alala sa kaniya,

"Lady So, narito po si Prinsesa Wu at Binibining Bai. Nais raw nila kayong makita!" isang taga-silbi ang mabilisang lumapit sa kaniya at sinabi iyon kaya naman agad niya itong nilingon at tumayo sa kinauupuan,

"Talaga? papasukin mo sila!" Utos niya at agad naman itong yumuko,

"Maghanda ka rin ng minatamis na tinapay at dalahin mo kagaad rito!" dagdag pa niyang kautusan,

LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon