Kinaumagahan,
Sa Templo ng Duan,
Sa pribadong silid ng Templo,
Mula sa malalim na pagkakatulog ay minulat nya ang kanyang mga mata, bumangon sya sa malambot na higaan at tsaka inilibot ang kanyang paningin sa buong silid,
"nasaan ako?" nagtataka niyang tanong sa sarili, tumayo sya sa pinaghihigaan niya kanina at marahang tinignan ang sarili sa isang malaking salamin sa gilid ng kamang iyon,
Hindi na iyon ang kimonang suot-suot niya kahapon?... sinong nagbihis sa kanya,
sa malalim nyang pag-iisip ay napalingon sya sa pintuang malapit sa kanya, iniluwal noon ang isang hindi pamilyar na taga-silbing babae na may dalang mainit na sabaw sa isang mangkok at ilang pirasong mansanas na hiniwa-hiwa,
wala noon sa isip nya na nasa Templo sya pero ng mapansin nya ang suot-suot nitong dilaw na kimona ay doon lamang nya ito naalala,
"Gising na po pala kaya mahal na Prinsesa!..kumain na po kayo..." nakayukong bati at saad nito sa kanya,
ngumiti naman siya dito ng pagkaliit-liit, "salamat...paano mo pala n-nalaman na isa akong Prinsesa?..." taka nyang tanong dito,
oo nga, paano nya nalaman?
"sinabi po kasi ng nagdala sa inyo dito!...ang mahal na Prinsepe po!" nakangiti din nitong pagsagot sa kanya,
napaisip naman sya, sino namang Prinsepe?
"kung may kailangan po kayo, tawagin nyo lang po ako Kamahalan!...mauna na po ako..." muli itong yumuko sa kanya, tsaka lumabas ng silid,
lumapit sya sa mesa kung saan inilapag nito ang dala-dalang pagkain kanina, umupo sya sa isang kahoy na upuan na elegante ang dating, at doon nag-simulang kumain..
hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kanya kung sinong Prinsepe ang nagligtas sa kanya, kung mabuti ba ito o masama, kung anong itsura nito dahil hindi nya nakita, pumasok din sa isip nya kung ito rin siguro ang naramdaman nyang sumalo noon sa kanya, pero sa ngayon sarili muna nya ang dapat nyang isipin,
pumapasok din sa isip nya ang Lola nya dahil baka nag-aalala na ito, pati na rin si Zhi'ri dahil baka hindi sila magka-undaugaga sa paghahanap sa kanya, iniisip din nya ang kanyang amain kung nasa maayos din itong kalagayan dahil baka masyado na syang nakakaabala at napag-aalala na niya mga ito ng husto sa pagkawala nya,
masyado bang malupit ang tadhana nya, ang dami nyang pinagdaanang hirap habang nasa mga kamay sya ng mga armadong lalaking iyon,
noong mga gabing na sa kamay sya ng mga ito at hindi sya makatulog dahil baka bukas at hindi na sya magising, sa loob ng 7 araw na naroon sya para bang binalot ng kadiliman ang buhay nya, at hindi rin nya maalis sa isipan ang bagay ba binibintang ng mga ito sa kanya,
sobrang lala nga kung ganoon,
⊂***⊃
Ng matapos syang kumain ay naisipan nyang lumabas muna ng silid,
pagbukas na pagbukas palang nya ng pintuang iyon ay tumambad na sa kanya ang anim na kawal na nakahanay sa mag-kabilang gilid ng pintuan,nakayuko ang mga ito habang kapit-kapit ang mga kulay pilak nilang sibat, masyado naman atang magalang ang mga ito, o nasobrahan lang?
iniwan nya ang mga ito at naglakad na sa pasilyo, subalit napatigil sya sa tapat ng isa pang silid, wala namang pintuan iyon kaya kahit nasa gilid ka lang ay kita mo na ang kalahati nitong espasyo sa loob,
may tatlong naka-itim na lalaki roon sa loob at sa tingin nya ay nag-uusap-usap ang mga ito, at hindi nga sya nagkamali pero hindi naman nya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historická literaturaKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...