Palasyo ng Wang
Tanggapan ng Punong Ministro,
Pinaluhod siya ng mga tauhan ni Chen Gui, habang hawak sya sa magkabilang balikat ng dalawang tauhan nito ay sya namang nakatutok sa kaniyang leeg ang matalim na espadang hawak-hawak ng isa nitong kamay,
"Nasaan ang talaan?" madiin nitong katanungan na syang ikinalunok niya,
Matalim niya itong tinignan sa mata, nagtatalo ang isipan niya. Hindi niya pwedeng sabihin kung nasaan na yon dahil mapapahamak ang taong naghahawak non.
Mas mabuti na sigurong wag nga lang niyang sabihin.
"Hindi ko alam ang sinasabi nyo!" mapanlanban niyang sagot na pagak na ikinatawa ng mga ito,
Lumuhod naman si Chen Gui upang pantayan sya tsaka hinawakan sya sa kabilang pisngi,
"Ministro Ming, nasaan ang talaan? sabihin mo na sakin pinapangako ko sayong magiging ligtas ka..." tinawanan niya ito na syang ikinairap nito,
"Wala nga sakin ang bagay na hinahanap nyo! Pinunong Chen, sana naman maisip mong mali itong pinaggagagawa nyo! alam mo bang maaaring mapahamak si Heneral Cao dyan sa mga kalokohang ibinibintang nyo sakin?" lakas loob niyang sabi,
Mas lalo pa itong natawa sabay tayo sa harapan niya. Ibinigay nito ang espadang hawak-hawak sa isa sa mga tauhan nito,
"Punong Ministro, naghahangal-hangalan ka ba o talagang hangal ka lang?" nakakaloko itong ngumiti "Sa tingin mo ba gagawa ako ng bagay na makakasira sa magandang imahe ng panginoon kong si Heneral Cao?" humalakhak ito, "Tanga! alam mo bang sya mismo ang nagutos upang hanapin kang balasubas ka! ha?!" inis muli itong bumaling sa kaniya,
"Kung ganoon nga, taksil ang Pinuno nyo!!" sigaw niya sa muka nito,
Mabilis agad itong lumapit sa kaniya at mariin siyang hinawakan sa leeg, doon ay buong pwersa sya nitong pinatayo ay hinarap,
"Oo, matagal na!" nagngangalit panga nitong singhal sa kanya,
Marahas sya nitong binitiwan na naging dahilan upang matumba sya sa harap nito, hindi pa man sya nakakatunghay nang bigla na lamang tapakan nito ang kanyang kaliwang kamay ng napaka diin.
"Ahhh!" daing niya,
Pagak na humalakhak ito habang muling kinukuha ang espada,
"Ngayon Ministro Ming, kung ayaw mong makita ang kamatayan mo ibigay mo nalang ang hinahanap ko!" gigil muli nito,
Hindi sya nagtapon ng paningin dito, paulit-ulit na nag-iisip. Kinakabahan sa mga maaaring mangyari pero mas nangibabaw ang pag-asa niya ng mapansing tila may nakikinig sa may pintuan ng kanyang tanggapan na hindi napapansin ng mga ito,
"Sumagot ka!!"
Pilit syang napangiti habang may lumalabas na dugo sa kaniyang bibig, dahan-dahan niya itong tiningala't muling nagsalita.
"Kahit anong gawin nyong lahat, kahit paulit-ulit nyo akong pahirapan, kahit ilang beses mong apakan ang mga kamay ko. Hinding-hindi ko sasabihin!!" may diin niyang sabi habang hinang-hina na,
Nangibabaw ang inis sa pagmumuka ni Chen Gui,
Nagmistulang pulang kamatis ang postura ng muka nito dahil sa sinabi niya pero, hindi pa man sagad ang pasensya nito ay mabilis agad nitong itinaas ang espadang iyon at walang awang tinagpas ang kanyang kaliwang braso na nagpalabas sa maraming -dugo!
"Ahhhh〜!" tila isang walang katapusan palahaw niya ng maramdaman ang hapdi, kirot, sakit ng paghihirap sa ginawa nitong iyon sa kanya..
Agad nitong tinakpan ang kanyang bibig, mariin nitong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi at pilit syang pinatatahimik.
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...