Tahimik.
Malalim ang iniisip.
Ilang ulit na pagpatak ng luha pa, mga mata ay namumugto na. Damang dama pa rin niya ang mga sinabi nito kanina.
"Paghihiganti... Galit.. yan ang dalawang bagay na hindi ko maunawaan sa kaniya. At kung bakit? kung paano sya nabago.."
"Nawala ang dating sya."
"Sa tingin mo ba Prinsesa may mali sa pagpapalaki ko sa kanya?"
"Pakiusap Prinsesa, sikapin mong baguhin sya! mahalin mo sya!!"
Yan ang mga paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya, hindi niya mapigilang isipin ang mga sinabi ng Emperador kanina,
Ilang bagay ang naging luminaw pero ilang bagay ang parang biglang lumabo,
sya lang ba yong nag-iisip o talagang may mga bagay pa rin na hindi niya maintindihan?
Kailan ba talaga niya malalaman ang katotohanan?
⊂***⊃
Ng sumunod na araw,
Tanggapan ng Emperador,
HAN JIANG'S POV
Patungo akong tanggapan ng Emperador, bagong plano bagong tagumpay.
Kapag nagawa ko sigurong mapapayag ang Emperador magagawa ko namang harapin ngayon ang kahinaan ni Wei Tian,
"Gusto mong sumama sa gagawing pagsalakay ng Itinakdang Prinsepe sa Timog?" peke akong ngumiti sa tanong ng Emperador,
Tss. ang linaw linaw naman ng sabi ko nagtanong ka pa.
"Opo, nais ko sanang maging kapareha niya sa gagawing pagsalakay. Maaari nyo po ba akong pahintulutan Kamahalan?" tinignan ko siya,
Pansin ko naman ang pagngiti niya na tanda lang na nakuha ko ang simpatiya nito, mukang mappadali yata ang lahat kapag natapos ito?
"Segi, kung nais mong sumama sa kaniya pahihintulutan kita pero kailangan mo munang sabihin sa kaniya ang gagawin mo upang isama ka niya..." lihim naman akong natawa sa sinabi niya,
Ikaw ang Emperador pero di ka makapagpasya? kahanga-hanga ka.
"Segi po, maraming salamat Kamahalan!" umalis na ako doon matapos kong yumuko sa harap niya,
Ang dali niya palang paikutin..
Habang papasok ako sa bulwagan ng Empiryo nakita ko na agad ang paglabas niya don sa bulwagan ng Palasyo,
Nakairita talaga ang banderang pula!
Patungo siguro sya ron sa tarangkahan dahil hatalang paalis sya kaya naman sinundan ko sya, ito na rin siguro ang pagkakataon upang subukan ko ang talab ng pagiging Prinsepe ko sa kaniya.
Tirik na tirik ang araw ng maabutan ko sya sa pasilyo ng tarangkahan, mainit sobrang init!..
"Wei Tian..." walang ganang pagtawag ko sa kanya,
Kainis, umeepal yong mga tagasunod niya!
Hindi naman sa pagmamayabang ,oo maimpluwesya nga sya pero kulang naman sya sa awa!
Kung pwede ko lang madaliin ang plano ni ama ginawa ko na!
Nakaiinip maghintay...
"May kailangan ka?" pagak ang napangisi sa tanong nyang iyon, blangko ang muka.
Talaga ba Wei Tian?
"Paalis ka? saan ka naman tutungo?" tanong ko,
Mas gusto ko pa ang muka niya kapag seryoso, halatang manhid at walang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...