Kanluran,
Lubog na ang araw. Samantalang nakagapos naman silang dalawa sa loob ng isang madilim na silid habang puno na ng galos ang katawan.
Nakikita nila ang mga nakabantay na kawal sa labas ng silid na iyon dahil sa maliit ma siwang sa ilalim ng pintuan.
Masikip ang silid dahil sa maraming gamit na nakabalihandrang nagkalat sa loob, at kahit madilim ay kita niya ang maliit na bintana malapit sa kanilang pinaggapusan.
"Ning'er?...ning'er?!" namamaos pa ang boses niya habang pabulong na tinatawag ang walang malay na tagasilbi..
Duguan na ang likod nito dala ng walang humpay na hagupit sa kanilang dalawa ngunit pasalamat pa rin dahil buhay pa sila..
"B-binibini? ayos... lang po ba kayo?" may panginginig ang boses nito habang pinipilit syang tignan..
"Binibini ano pong ginagawa nyo baka mahuli po tayo?!" gulat na gulat ito ng mapansing pilit niyang kinakalas ang pagkakatali sa kamay nito ngunit agad ding tumahimik ng mapagbanta syang tumingin..
"Ning'er, ito nalang nag tanging p-paraan.. Kailangan mong makatakas dito!" saad niya,
"Ngunit, paano po kayo... Baka saktan nila kayo!" may pag-aalala na sa boses nito.
"Wag kang mag-alala magiging maayos ako!"
"Binibini...."
"Makinig ka na lang..." tinuro niya ang bintanang nasa likod nito, "Nakikita mo yan, dyan ka dadaan dala ang bagay na ito!" ipinakita niya ang natuping tela mula sa ilalim ng damit niya.
Mabuti nalang at hindi iyon nawala ng dinala sila rito.
"Pero -Segi na! Mahalaga ang nilalaman ng telang iyan, hanapin mo ang kabisera ng Zhou kung nasaan man tayo ngayon. Ning'er pakiusap ibigay mo yna kay Ate Xiao Ran...hm?" nanggilid ang mga luha nito sa sinabi niya,
"Ngunit Binibining Bai, ayaw ko po kayong iwanan... s-sumama po kayo?!" umiyak ito sa harapan niya at maging sya ay di na rin mapigilang maiyak,
"Hindi maaari. Kung p-pareho tayong tatakas, pareho din t-tayong mamamatay!"
Umiling ito, "Paano po kayo?!"
Pait nalang syang ngumiti bago niya ito niyakap ng mahigpit, "Sabihin mo kay Ate Xiao Ran. ayos lang ako! Magiging ayos lang ako, wag kang mag-alala!" mahina itong umiyak tsaka sa yakap niya,
"M-magiingat po kayo Binibini... pangako babalikan ko kayo!" hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito kung saan naroon ang liham..
Hanggang sa nakita nalang niya ang sarili niya na mag-isa na muling nakagapos roon sa loob ng madilim na silid. Wala syang sinayang na oras at muling itinuon ang atensyon niya sa paligid..
"Umalis na ang Kamahalan. Ipinagbilin niyang bantayan ang dalawang bihag sa loob!" rinig niyang sabi ng isang kawal sa mga kasamahan nito sa labas ng silid na iyon.
Nanatili syang tahimik habang pinipigil ang mga luhang umagos sa mga mata niya.
Isang malamig na hangin ang biglang sumalubong sa kaniya ng biglang magbukas ang pintuan kaya naman lumiwanag din ang paligid.
May isang kawal ang biglang naalerto at syang dali-daling lumabas ng silid na iyon. Kasabay ang pag-sigaw ng-
"May nakatakas! Mga kasama! May nakatakas!"
⊂***⊃
Ng sumunod na araw,
"Sya?!" isang hindi makapaniwalang katanungan mula sa kanya,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...