Hating gabi na subalit gising pa rin sya, naroon sya sa pasilyo sa harap ng kanyang silid habang hinihintay na dalawin sya ng antok.
Kanina pa siya ganito sa loob ng kaniyang silid ngunit hindi sya makatulog dahil may kung anong bagay ang gumugulo sa isip niya.
Hanggang ngayon palaisipan pa rin kung bakit wala roon si Bai Ying sa dapat na pagkikitaan nila pero ang mas bumagabag sa isip niya ay ang kanyang Lola.
Hindi kasi niya lubos maisip kung bakit ito biglang pumasok sa isip niya at ang mas nakakabahala ay baka kasama nito ang amain niya, pero sana wag naman dahil alam niyang hindi iyon magagawang saktan ni Heneral Liu.
"Prinsesa, iminom muna po kayo ng tubig para kumalma kayo!" inabot niya ang baso ng tubig na mula kay Zhi'ri,
Kinuha niya ang basong may laman na tubig pero sa halip na inumin ay may pag-aalala lamang niya iyong tinignan.
"Kamahalan, wag na po kayong mag-alala. Kita ko po na hindi kayo mapalagay, alisin nyo po muna sa isip nyo ang mga bagay na gumugulo sa inyo..." bakas ang lungkot ang pag-aalala ni Zhi'ri sa kaniya na sya namang ikinalingon niya dito,
"Sinusubukan kong ipanatag ang sarili ko, pero hindi ko alam lalo lang akong nababahala sa mga naiisip ko!" tumayo sya at naglakad palapit sa maliit na halaman sa tabi niya,
"Siguro po dulot rin iyan ng mga nangyayari ngayon, pero mas makakabuti po kung magpapahinga muna kayo. Nakakasama po sa inyo kung magpapakapagod ang isipan nyo sa mga nakakapinsalang bagay..." sinsera nitong aniya,
"Tama ka.." maikli niyang pag-sangayon.
"Gusto nyo po ba, ipagahanda ko kayo ng pagkain?" tanong nito,
"Hindi na... babalik na rin naman ako sa loob!" pagtanggi niya,
Tumango nalang ito at tsaka tumayo malapit sa tabi niya.
Malalim naman itong napasinghap habang nakatingin sa kaniya.
⊂***⊃
BAI YING'S POV
May panginginig ang buo kong katawan habang nakatingin sa maliit na pintuan ng selda ng piitan,
Nararamdaman ko nag kirot at hapdi sa aking likoran dulot ng pagkakahagupit sa akin kanina, pero hindi ito ang lugar kung saan ako nararapat mamatay.
At bago ako mamatay sisiguraduhin kong masasabi ko ang katotohanan. Kahit na sarili ko pang dugo ang mag-ukit noon.
Biglang naglaho ang bagay na nasa isip ko bumukas ang maliit na pintuan ng selda at iniluwal noon ang pigura ng tatlong lalaki at -isang matandang ginang?
Si Lady So. Si lola anong ginagawa niya dito?
Marahas syang binitiwan ni Chen Gui ang alagad ni Heneral Liu, sa pag-kakaalam ko sya ang nangangalaga ng hukbo ng Shanxi kaya Pinuno rin sya.
Ngunit bigla akong nakaramdam ng galit ng makita ko si Lady So, halatang nang-hihina pa sya at mula sa malalim na pagkakatulog.
Pansin ko rin ang pasa sa kaniyang braso at kaunting bahid ng dugo sa kaniyang mga balikat.
Agad akong lumingon sa mga lalaki na narito at hindi ko magpaliwanag ang nararamdaman ko noon at kung anong sasabihin ko ng makita ko si -Heneral Liu.
"H-heneral Liu pati ba n-naman po k-kayo?...." pinilit kong magsalita kahit hinang-hina ako matanong lamang sya sa kataksilan niya,
Alam kaya ni Ate Xiao Ran ang ginagawa niya ngayon?
Pero hindi sya sumagot...
"Ikaw babae. Manahimik ka! Mas mabuti pang hintayin nyo nalang ng matandang yan ang kamatayan nyong dalawa!" walang ano-anong saad ni Chen Gui sa akin habang dinuduro ako,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...