"Nasaan sya?" Yumuko ito at marahil na tumingin sa kaniya.
Kanina pa sya nag-alala dahil sa sinabi ng tagapaglingkod at tagasunod niya na nagtungo dito si Heneral Liu upang kausap ito.
Hindi na niya hinintay ang sagot ng tagasilbi at agad na naglakad patungo sa pintuan na nasa likod nito.
Nagdadalawang isip siya kakatukin niya pero hindi na sya nag-sayang pa ng oras ay binuksan nalang itong silid tsaka pumasok sa loob.
Humakbang sya para ilibot ang paningin sa loob ng silid. Nakita niya itong nakaupo habang nakaharap sa salamin.
Lumapit sya at hindi alam kung anong sasabihin.
"Anong nangyari kanina?" panimula niyang tanong na syang ikinatigil nito sa ginagawa.
Tumayo ito at lumapit sa kanya... "Paumanhin, hindi ko napansin ang pagpasok mo!" nabakas niya ang pagkatamlay sa boses nito na parang nagbigay ng ibang pakiramdam sa kanya.
"Sagutin mo ang tanong ko. Anong sinabi niya sayo?" hindi ito sumagot sa tanong niya na parang pinoproseso at nagiisip pa.
Hindi niya labis maunawaan. May mali sa ikinikilos nito pero hindi niya maipaliwanag. Nagbabadya ang mga luha nito at hindi niya alam ang dahilan.
Hanggang sya narinig na lang niya ang... mga impit na pag-iyak ng humilig ito sa dibdib niya.
"Kung n-narinig mo lang kanina lahat ng k-kasinungalingan niya tiyak kong h-hindi mo sya mapapatawad, ilang taon k-ko syang itinuring na ama pero h-hindi ko alam kung bakit ganito... kung bakit umabot sa ganito ang lahat lahat!"
"Ayaw n-niyang sabihin ang katotohanang nalalaman niya. B-buong akala ko nandon sya pero n-nagsinungaling sya. Ilang ulit syang humingi ng tawad sakin pero nakikita ko ang kasinungalingan sa mga m-mata niya... na may pinagtatakpan siya.. na nagtataksil sya!"
"Ilang b-beses niyang sinisi ang sarili niya sa h-harapan ko, pero wala akong nakitang... p-pagsisisi sa mga mata niya!"
"Si... Heneral Liu ba, ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?" marahang pagtango ang ginawa nito para humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
Hinaplos niya ang buhok nito sa likod habang pinapakinggan ang mga nais nitong sabihin.
"Nakita ko ang ilan pang mga liham na nasa sa'yo. Doon ko nabasa ang huling bahagi ng liham na mula sa angkan ng mga Chou.." napailing ito,
"Hindi ko alam kung paniniwalaan ko kaya paulit-ulit kong binasa... pero huli na dahil simula palang kasama ko na ang taksil, ang traydor na d-dapat sisihin sa lahat ng ito!"
"Galit ka sa kanya?" umiling ito,
"Hindi ko alam. N-naiinis nga ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit sa kanya. Gusto kong sumbatan ang sarili ko dahil hindi ko sya magawang isumpa. Gusto kong m-magalit sa kaniya kung bakit kailangan pa niyang alalahanin ang kaligtasan ko kung ikapapahamak naman niya?!... Sobrang... pinagsisisihan ko 'to!.... dahil ayokong mawalan ako ng isa pang ama!"
"Ayokong maulit yon!"
Humiwalay sya sa pagkakayakap dito at maigi itong tinignan sa mga mata.
"Tama na. Sa ginagawa mong ito para mo na ring sinasaktan ang sarili mo!" pinilot niyang pakalmahin ang galit na nagsusumiksik sa dibdib niya.
Ito ang tamang rason upang malutas ang magulong pagkakataon.
"Anong gusto mong g-gawin ko? Manahimik nalang ako? Na hayaan ko nalang ang kataksilang ginagawa niya?" pait itong umiling, "Paano ko m-makakamit ang hustisya para sa mga taong nawala sakin kung palalampasin ko ang pagkakataon na ilantad ang katotohanang ito?"
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...