Tanggapan ng Dao,
Ipinalapag ni Han Mao ang isang itim na baul sa ibabaw ng mesa, tsaka ito binuksan ng ilang taga-silbi na naroon sa loob ng tanggapan niya,
"300 tael ng ginto yan, sa inyo na yan!" malawak syang ngumiti ng lumapit ang apat na lalaking ito,
"Aba! napaka-galante naman pala ng Ikalawang Prinsepe, sulit lang pala ang ginawa naming pananakot doon sa binibini!" natatawang aniya ng isa,
"ang galing nyo ngang magpanggap kanina eh, kaya para sa inyo talaga yan!" isang malalim na pagngiti ang muli nyang iginawad habang ang mga ito naman ay manghang-mangha sa nagkikintabang gintong hawak-hawak nila,
"Salamat dito Kamahalan, sa uulitin ulit!" malalalim na ngisi ang sumilay sa labi ng mga ito bago umalis sa harap nya,
Ibig palang sabihin, ang nangyari kanina sa bayan ay palabas lamang at alam nyang ito ang Prinsesa?
manlilinlang sya!...
⊂***⊃
"Kung ganon pala nakita mo na rin sya kuya?" saad ni Han Mao sa kanya na ikinangisi nya,
"Oo, noong nakaraang araw lang, nasa hardin sya ng palasyo!"
tumango-tango naman ito sa sinabi nya, naroon nga pala sila sa hardin ng Empiryo kasama ang dalawa nilang tagasunod,
naglalakad-lakad sila roon habang pinag-uusapan kung paano nila nakilala ang Prinsesa,
"Paano mo pala sya nakilala?" seryoso nyang katanungan sa kapatid,
"Ahm, may inutusan lang akong tao para manmanan sya sa bayan kahapon, tapos sinabi kong umakto sila bilang masasamang tao at iyon nga, ako ang naging tagapagligtas nya ng oras na yon!..." natawa sya "galing ko diba?"
"tss, buti hindi ka nya nakilala!" nakangising turan nya,
"Sya lang mag-isa kahapon, may hinihintay ata sya!" tumango ulit sya,
"Sya nga pala..." tinapik nya ang balikat nito na syang ikinaharap nito sa kanya, "ano yon?" tanong naman nito...
"Babalik na sila rito bukas!" seryoso nyang usal na ikinakunot ng noo nito,
"Sino?...ang Prinsepe ng Beimo??" simple nalang syang ngumiti..
"May nangyayari ngayon sa pamahalaan ng buwis at sya ang inatasan upang pamunuan ito at ang pag-sisiyasat, at ang kailangan lang nating gawin ay punan ng atensyon yong kasama nya!" seryoso naman itong napangisi,
"Ang Prinsesa ng Yuan!!" nasisiyahan nitong turan,
Sino nga bang mag-aakala na matino ang dalawang 'to? eh sa kilos at pananalita na lang mukang masama na ang pagkatao!
Ano naman kayang babalakin nila kapag dumating na ang mga ito bukas?
Magawa kaya nila ang nais nila, gayong kay Wei Tian na nga lang mukang aatras na!..
⊂***⊃
Kinagabihan,
Sa Palasyo ng Beimo,
Sa silid ng Prinsesa,
Habang sinusuklay ni Zhi'ri ang itim at mahaba nyang buhok ay muling pumasok sa isip nya ang nangyari kanina sa bayan,
Nakatitig sya sa kanyang repleksyon sa salamin at pilit itong inaalis sa isip, pero may isang katanungan pa rin para sa kanya tungkol sa lalaking yon kanina,
Sino nga kaya ito?
"Prinsesa, nariyan po ang mga tagasunod ng Itinakdang Prinsepe!" mahinang sambit ni Zhi'ri sa kanyang tabi na syang nag-pabalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historische RomaneKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...