"Paano ako paniniwala sa mga sinasabi mo?" tanong niya na ikinaiwas nito ng tingin,
Paano nga ba?
Maniniwala ba talaga sya sa sinasabi nitong katapatan kung ito at ang angkan nito ang pinaghihinalaang may kagagawan ng lahat kaya hanggang ngayon may gulo pa rin?
"Alam kong hindi nyo ako pagtitiwalaan ngayon dahil sa nangyari pero, maari ko kayong tulungan na makamit ang tunay nyong hinahangad simula palang, Kamahalan!" sagot nito,
Hindi niya alam kung paano ito pakikinggan ng lubusan.
Totoo naman, mahirap na ngang magtiwala ngayon dahil baka pagtaksilan ka lang. Pero mukang seryoso naman ito sa sinasabi niya.
"Kaya kong makuha ang ninanais ko ng wala ang taong kagaya mo!" napailing ito,
"Hindi nyo ako naiintindihan...." saad nito,
"Alam kong hindi ganoon kadali ang hinihiningi kong tiwala sa inyo dahil nasa aming angkan pa rin ang hinala nyo, pero hindi ba pwedeng pakinggan nyo ang hinaing ng katotohanan? Kung sino pa talaga ang tunay ninyong kalaban?" seryosong wika pa rin nito,
Hinaing ng katotohanan, tama sya pero alam narin ba niya talaga lahat?
Kung hindi sya ang tunay na kalaban ay sino?
Sinong mas higit pa ang tinutukoy nito?
"Pareho lang ba tayo ng taong pinaghihinaalan?" seryoso naman niyang katanungan,
Tumingin ito sa kanya ng walang pangamba, hindi pa naman sya ganoong may tiwala dito pero baka pareho nga rin sila ng naiisip ngayon.
"Si Heneral Cao Yi, diba?" ani nito,
Hindi ba tama?
Tama naman ang sinabi niya..
Si Heneral Cao, ang parehong taong tinutukoy nilang dalawa.
"Sabihin mo lahat!" malamig niyang utos,
"Sasabihin ko. Pero kung hindi nyo mamasamain gawin nyo akong isa sa mga tagasunod ninyo. Kaming dalawa ni Awan -Pagiisipan ko!" putol niya agad sa sasabihin nito,
"Sasabihin ko ang lahat ng nalalaman ko, Mahal na Prinsepe!"
⊂***⊃
Kampo ng kalaban,
Tahimik lamang na nakaupo ang pinuno ng mga ito habang nakikinig sa kanya, kaharap nila ang malaking mapa ng kabisera ng Timog hanggang sa hangganan.
"Yong hukbong kabayuhan ng Beimo ang muunang sumalakay sa panghuli nyong kampo. At sa pagkakaalam ko doon nila susubukang hanapin ka dahil ikaw ang pinuno..."
ngumisi ito sa sinabi niya.
"Ang hirap na talagang magtago ngayon. Mula sa Tang hanggang dito sa Zhou hindi pa rin pala tapos ito!"
"Kaya nga mag-ingat ka Fang Lu Ye!" saad niya.
"Kapag nahanap ka niya, papatayin ka niya!" tumawa ito,
"Titiyakin kong sya muna ang mauuna kasama lahat ng tagasunod niya!" saad nito,
Ito si Heneral Fang Lu Ye, mula sa Tang ng nakaraang kaharian. Napasailalim sya noon ng kapangyarihan at pamumuno ng dating Emperador ng Tang at nanumpa ng katapatan subalit hindi pa pala doon natatapos ang kanyang kasamaan dahil dito sya naghahasik ng lagim sa Zhou, kasama itong si Han Jiang...
⊂***⊃
Kinabukasan,
Kampo ng Timog,
Huling araw ng Pagsalakay,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...