Western Pavilion,
Muli syang bumalik kung saan kasalukuyang ginaganap ang piging, ng makarating sya roon ay napansin niyang nagsasalita ang Emperador ay may lalaking nakatayo roon sa gitna.
Hindi na sya nagaksaya ng oras na lingunin iyon at agad na pumwestong muli sa tabi nito,
Masyado ba niya itong napaghintay at hindi man lang ito nagtapon ng tingin sa kaniya? O baka may iba pa?
"Saan ka ba galing?" ramdam niya ang pagod sa boses nito pero hindi naman iyon sobrang seryoso,
Yong normal lang na parang ngayon lang nito ginawa.
"Sa Bulwagan ng Empiryo pagkatapos, sa silid ni Lola. Ipagpaumanhin mo kung napaghintay kita nais ko lang kasing makasiguro na ayos lang si Lola..." hindi naman ito sumagot sa kaniya at nanatili lamang ito na nakatingin sa gitna habang hawak ang maliit na kalis.
"Kung ganoon pala napakalaki ng utang na loob ng palasyo sa iyong kabutihan Heneral!" napalingon sya sa Emperador ng magsalita ito,
Noon lang din niya napagtanto na ang kanyang amain pala ang lalaking kausap nito. Hindi pa ito nagtatapon ng tingin sa direksyon niya.
"Hindi naman po ganoon ang nais kong sabihin dahil ito ay hindi ko magagawa ng wala ang inyong gabay at pagtitiwala!" nakayuko nitong ani na syang ikinatuwa naman ng Emperador,
"Heneral Liu, isa kang matalinong tao. Hindi ko akalain na gumagawa ka ng isang kapuri-puring bagay na hindi mapagtuonan ng buong Palasyo..." saad ng Emperador,
"Wala po iyon, Kamahalan. Hangad ko lamang po ang nakabubuti para sa inyo!" muling natuwa ang Emperador sa sinabi ni Heneral pero ang hindi niya maunawaan ay kung anong bagay ang pinaguusapan nila,
"Heneral Liu, labis mo talaga akong pinapahanga sa mga kakayahan mong ipinapakita. Hayaan mo, tutal ang piging naman na ito ay para sating lahat ano ang kahilingan mo at ibibigay ko?" parang nabuhayan ang buong paligid sa sinabi ng Emperador, pati ang mga tao sa tapat nila ay napatingin rin dito.
Samantalang seryoso namang umiinom ng alak ang katabi niya na naroon pa rin sa gitna ang paningin at walang imik habang nakikinig sa mga ito.
⊂***⊃
WEI TIAN'S POV
Maingat sya sa bawat galaw niya. Tuso rin pala sya kahit naman kitang-kita na kung anong nais niya.
Habang inoobserbahan ko nag bawat galaw niya ay pansin na pansin ko ang hindi magkaintindihang galaw niya mula ng dumating si Heneral Liu kanina pa.
Ang mga nakakagulong tingin niya dito na parang may nais siyang ipahiwatig ang tinitignan ko pero hindi ko malaman kung ano.
Saglit na pagtingin kay Heneral Liu ang ginawa ko. Ano namang bagay ang hihilingin sa Emperador kung sakali.
"Kung hindi nyo po sana mamasamain ay nais ko na magkaroon kami ng negosasyon ng Itinakdang Prinsepe sa hukbo ng Hebei at Yuan, Kamahalan..." tumaas ang isang kilay ko ng marinig ko ang salitang iyon, pati ba naman ako?
Kita ko naman ang pagtango ni ama tsaka ako tinignan, "Magandang kahilingan ang nais mo Heneral Liu, subalit na kay Prinsepe Wei Tian ang pasya kung papayag sya.." makahulugan siyang ngumiti sa akin,
At alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Ayoko!...
Tumayo ako sa kinauupuan ko at seryosong tinignan si Heneral Liu, peke akong ngumisi tsaka isenentro ang isa kong kamay sa aking dibdib.
"Karangalan ko na makipagnegosasyon sayo Heneral Liu, at sa palagay ko magandang bagay ang kalalabasan ng balak mo..." tipid naman itong ngumiti sa akin,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...