Sambahayan ng Katimogang Louyang,
Paikot-ikot syang naglalakad sa loob ng kaniyang silid habang hindi matigil sa kakaisip, nangangatal na siya sa sobrang pag-aalala dahil sa nangyayari ngayon sa kanilang kabisera,
Hindi sya mapakali dahil baka kung ano na ang nangyari, kanina pa siyang naghihintay ng balita ngunit wala pa...
"Prinsesa, ayos lang po ba kayo? kanina pa kayo balisa ah!" ani ni Zhi'ri at naupo sa tabi niya,
"Kanina sabi mo may kilosang nagaganap sa Timog malapit sa Kabisera ng Yuan, nag-aalala ako na baka ano nangyari roon, paano sina lola? diba?!" nag-aalala niyang sabi,
Hinawakan naman nito ang kanyang kamay upang pagaanin ang loob niya, "Kamahalan, wag na po kayong mag-alala natitiyak ko naman po na walang mangyayari sa punong tagapangasiwa at isa pa naroon naman po si Heneral Liu Tang diba? nasisiguro ko pong hindi niya pababayaan ang lola ninyo..."
Tumayo siya sa kinauupuan at marahang huminga ng malalim "Pero hindi pa rin ako matatahimik hangga't hindi ko sila nakikita..." saad niya na parang nagbigay ng isang makabuluhang ideya kay Zhi'ri,
Tumayo rin ito at muling lumapit sa tabi niya, "Kamahalan, kung ano man pong nasa isip nyo wag nyo nang ituloy...baka mapahamak kayo!" nalulungkot nitong sabi,
Humarap siya dito at tsaka ito pinakatitigan sa mata "Hindi naman delikado yon eh, nais ko lang silang puntahan.."
"Pero alam nyong hindi kayo papayagan ng mahal na Prinsepe..kapag nalaman ng kanyang Kamahalan na tatakas kayo upang magtungo sa kabisera ng Yuan baka parusahan niya kayo!" sinsera nitong ani,
"Hindi naman ako tatakas.."
"Eh ano pong balak niyo?"
saglit muna siyang huminga ng malalim "susubukan kong..hingin ang pahintulot niya!"
⊂***⊃
Bulwagan ng Zhou,
Mabilis na nagtungo si Ministro Ming sa tanggapan ni Yunuko Yu, nalaman kasi nito na may balak itong gawin upang ilantad daw ang kataksilan ni Heneral Cao na hindi niya sinang-ayunan ng labis,
Naglalakad na sila papasok ng malaking bulwagan ng iksaktong makasalubong niya ito, tama lang pala ang pagpunta niya dahil tila paalis na ito ng makarating siya,
"Punong Yunuko Yu!" pagtawag nya rito habang nasa kabilang dako ng pasilyo ng bulwagan, tumigil din naman ito at tsaka siya nilingon,
Doon niya kinuha ang pagkakataon upang lapitan ito ng harapan, ang kaso ng lang ay agad din itong tumalikod ng makalapit siya,
"Yunuko Yu, kung ano man ang binabalak ninyo wag nyo nang ituloy pa!" saad niya na syang nagpahinto dito,
mahigpit naman itong napahawak sa kapit na talaan.. "Punong Ministro Ming, wala kayong karapatan upang pigilan ako!" matigas nitong sabi bago humarap sa kaniya,
Sya namang ipinakita nito ang hawak na talaan na mas ikinailing niya, "Ito ang makakapagpatunay na taksil ang Heneral Cao na yon!" gigil pa nito,
Hindi naman niya sinayang ang pagkakataon at agad na itong nilapitan, "Yunuko Yu, ano bang ginagawa nyo?! alam nyo bang maaari kayong mapahamak riyan sa nais nyong mangyari?! gusto nyo bang maparusahan kayo sa maaari nyong gawin?!" sunod-sunod niyang katanungan dito na syang ikinaiwas nito ng tingin,
"Wala kayong alam sa lahat Punong Ministro, kapag pinalampas natin ang pagkakataong ito ay mas lalo lamang gugulo ang lahat!"
"Mas gugulo lang ang lahat dahil sa balak ninyong gawin!...hindi nyo ba naiisip na maimpluwesyang tao ang binabalak ninyong isuplong ngayon? at sa tingin nyo ba may maniniwala sa inyo kung sakaling paratangan nyo sya ng ayon lang sa nakasaad sa talaang iyan?! kayo lang din ang masisira dahil padalos-dalos kayo!" parang natauhan naman ito sa sinabi niya,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...