Ilang araw ang lumipas,Bulwagan ng Zhou,
"Paano natin gagawin?" tanong ni Han Mao,
Nasa tanggapan silang lahat ng Bulwagan. Nagpaplano at naghahanda.
May pangyayari na namang na mukang mauulit at hindi na maiiwasan. Magkakaroon na naman ng panibagong alimpuyo para sa kanila.
Lugmok pa ngayon ang buong empiryo dahil sa nangyari nitong nakaraan.
At konti nalang ay baka bumagsal sila sa paniniwala ng iba.
"Wala pa ring malay ang Emperador, kumalat na ang lason... h-hindi alam kung may lunas!" nanatili syang nakasandal sa inuupuan.
Tahimik pa rin habang hawak ang tanda ng dragon na nasa mga kamay niya. Madilim ang tingin niya at malalim ang iniisip.
"Kamahalan, nagsisimula na ng pag-aaklas si Heneral Cao. Hindi lang laban sa inyo kundi pati na rin sa Empiryo!" gumuhit ang mapag-alalang wika ng Punong Yunuko,
Doon lang din nawaglit ang iniisip niya subalit naroon pa rin ang pagdidilim sa kanya.
Ang plano niya? Hindi tukoy...
"Ano mang balak niya. Ano mang galaw niya, hindi sya magtatagumpay!" aniya,
"Ano ba talagang plano mo? Bakit mong sabihin?" tumingin sya kay Han Mao ng magtanong muli,
"Hindi digmaan o pag-aaklas ang nais ng ama mo, kundi ang patayin ako para makuha ang trono..."
"Hindi... ko maintindihan, kung yan ang nais ni ama paano mo sya haharapin?" muli niya itong tinignan ngunit sa halip na sagutin ay tumayo sya at tsaka pinakita ang isang talaan.
"Ibibigay natin ang nais niya!" sagot niya,
"Simula palang... may plano kana? At ito." marahan syang tumango,
"Oo, dahil alam ko na ang balak niya. Ang pagtataksil na ginawa niya ay babalik din sa kanya!" seryoso niyang wika.
"Umamin sya?"
"Oo." tumingin ito ng may pagtataka, "Sinabi niyang lahat ng plano nila pero hindi niya napigilan ang panglalason kay ama. Kung nong oras na yon nagtaksil sya kay Cao Yi, malamang wala sakin ang talaan na yan!" dagdag niya,
"P-papatayin mo ba si ama?" napatingin sya sa sinabi nito,
"Anak ka, anak din ako. Kung mamamatay ang ama ko, ako mismo ang papatay sa ama mo. Pero kung maililigtas si ama, hindi ko sya papatayin. Ngunit, kung digmaan ang nais niya ibibigay ko sa kanya, at tinitiyak ko na hindi ako kundi sya... Sya ang kikitil ng buhay niya!" aniya muli.
⊂***⊃
Piitan ng Palasyo,
Tahimik, nakatayo, parehong naka-kulong at walang kibo. Magkatapat lang ang selda nilang dalawa na parehong madilim ang bawat sulok.
"Pakawalan ang isang bihag!" utos na mula sa labas ng piitan.
Pumasok si Hao Lan kasama ang ilang kawal at ang alagad nito. Binuksan ang kandado ng selda ni Han Jiang at tsaka ito inilabas roon.
"Saan po sila dadalahin?" nagtanong ang isang kawal,
"Sa Kamahalan..." sagot nito,
Inilabas ito sa lugar na yon patungo sa Bulwagan ng Palasyo,
⊂***⊃
"Nasaan siya?" tumingin sya rito,
"Hindi ko alam. At wala akong alam sa mga pinag-sasasabi mo!" tanggi niya,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Ficción históricaKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...