Kabanata 14

23 11 0
                                    

Malalim na ang gabi ng mga oras na yon pero gising pa rin si Xiao Ran habang nakasilip sa malaki at mataas na bintana sa loob ng isang silid na ibinigay sa kaniya,

Malamig na ang simoy ng hangin habang nakatayo sya roon at mukang malalim ang kanyang iniisip,

Habang nakahalukitkit sya at nakasandal sa dingding ay hindi nya namalayan ang pagdating ni Zhi'ri na kanina pa pala nakasilip sa kanya at napapangiti habang pinagmamasdan siya,

"Prinsesa, mukang malalim po ang iniisip nyo ah? may problema po ba?" napalingon sya sa kanyang likoran ng magsalita ito,

agad naman syang napaayos ng pwesto nya at humarap dito, nakasimangot at parang nalulungkot,

"Wala naman akong problema, iniisip ko lang kasi sina Lola at amain!" lumapit sya sa isang maliit na mesa at naupo sa tapat non, "kamusta na kaya sila?" nakahalubabang nyang tanong,

huminga naman ng malalim si Zhi'ri tsaka siya nilapitan, "Kamahalan, wala pa pong tatlong araw nong bumisita tayo sa Sambahayan ng Yuan, at isa pa diba sabi ni Lady So ay huwag nyo muna kayong mag-alala sa kaniya dahil naroon naman si Heneral Liu?" maliit itong ngumiti sa kanya,

"Tama ka, pero nababahala pa rin ako dahil wala ako sa tabi nila!" may lungkot niyang saad at tsaka naman nito hinawakan ang kamay nya,

"Kamahalan, kahit naman po malayo sila sa inyo ay nasisiguro kong ayos lang po sila at hangad din nila ang kabutihan nyo, sa tingin nyo po ba magiging masaya si Lady So kung malalaman nya na nalulungkot kayo dahil sa kanila?" agad naman syang napailing,

"Hindi ko matataim sa sarili kona malungkot din sya dahil sakin..."

"Kung ganoon po, alisin nyo muna sa isip nyo ang pangamba na iyan dahil alam kong mas lalo lang kayong mahihirapan kapag halo-halo na ang alalahanin nyo kasi ang nararapat po nyong isaisip sa ngayon...ay ang nalalapit nyong kasal, Kamahalan!" saglit na naman syang natigilan sa sinabi nito,

"Alam ko pong mahirap para sa inyo ang sitwasyon na ito, at siguro kong nasa kalagayan nyo rin naman po ako ay talagang maguguluhan ako subalit, para sa akin hindi naman siguro masamang magpakasal ako dahil para ito sa ikabubuti ng aming angkan, pero tulad pa rin po nong una ay nasa inyo pa rin ang pasya!" tinignan nya ito,

Totoo, mahirap naman talaga ang kalagayan nya ngayon pero nasa mga kamay pa rin nya ang desisyon upang ituloy ang pagsuong sa sitwasyon na yon,

"salamat sa pag-papaalaala mo, tatanawin ko rin tong malaking utang na loob sa'yo Zhi'ri!" mahina itong natuwa,

"Wala po yon Prinsesa, at sa katunayan ay ako pa nga po ang dapat magpasalamat sa inyo eh dahil bata palang ako noong kayo na ang kumupkop sa akin at tumuring na isang kapatid, kung hindi nyo po akong tinulungan noong makatakas mula sa kamay ng mapanakit kong tiyahin siguro ko po hanggang ngayon ay nasa lansangan pa rin ako at naghihikaos!" napangiti sya sa muli nitong iwinika,

"Ikaw talaga, ayos lang yon dahil ang mahalaga ay naging maayos na ang buhay mo! tandaan mo ha kahit saan ay hindi ka taga-silbi o tagapag-lingkod ko dahil para sa akin ay kapatid at pamilya kita!!"

Tumango naman ito, "Opo, hinding-hindi ko po kayo iiwan o pagtataksilan!" itinaas nito ang kaliwang kamay "Ako po si Zhi'ri na maglilingkod sa inyo hanggang kamatayan, Kamahalan!"

"Halika ka nga!" na syang ikinalapit naman nito sa tabi niya,

Niyakap nila ang isa't isa habang nakangiti, kahit pala ang isang amo at tagapag-lingkod ay maaari ring magkaroon ng malalim na ugnayan, mataas ka man o mababa ay hindi iyon hadlang upang tanggapin ang ating kapwa,

Dahil gaya nina Xiao Ran at Zhi'ri,

Anuman man ang katauhan, mabuti man o masama, mahirap man o tanyag, nasa ibaba man o nasa itaas ay dapat irespeto at ating pahalagahan dahil ang ikabubuti ng lahat ay nasa kung paano natin pakitunguhan at ituring ang mga taong nasa ating paligid natin...

LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon