Bulwagan ng Itinakdang Prinsepe,
"Hindi po maaari Prinsesa!" Tiim syang tumingin kay Yi Cheng habang nakaharang ang isang kamay sa kanya.
Kasama nito si Xu Su at Bi Nan sa labas sa tarangkahan ng bulwagan ngunit ayaw syang paraanin ng mga ito.
"Ano? Seryoso ba talaga kayo sa sinasabi nyo? Hindi nyo ako palalabasin?" may bahid ng kaunting inis ang boses niya ng sandaling iyon pero nangingibabaw pa rin ang pagiging kalmado niya habang nakatingin sa mga ito.
Gusto lang naman niyang nakasigurado na hindi totoo ang mga naririnig niya tungkol sa kaniyang lola pero bakit parang ayaw syang pakisamahan ng pagkakataon ngayon?
"Utos po ng Itinakdang Prinsepe na huwag namin kayong hayaang makalabas ng bulwagan niya hangga't hindi sya bumabalik. Kabilin-bilinan po niya na bantayan namin kayo at huwag hayaang makaalis ng walang kapahintulutan niya.." naikuyom niya ang palad niya sa sinagot ni Bi Nan sa kanya,
Bigla syang naiinis sa sarili niya dahil hindi man lang niya magawang kombisehin ang mga ito kahit sandali lang.
"Maayos naman na nakikiusap ang mahal na Prinsesa, pakiusap payagan nyo na sya!" pakiusap naman ni Zhi'ri sa tatlong ito,
"Patawad. Patawad po talaga ngunit hindi maaari, Kamahalan!" si Xu Su ang sumagot,
"Nasan sya?" isang walang ganang tanong niya habang lampas na nakatingin sa mga ito,
"Naron po ang mahal na Prinsepe sa Bulwagan ng Empiryo, Prinsesa!" sagot muli ni Bi Nan,
At doon lang niya naisip na baka may alam na ito.
⊂***⊃
Palasyo ng Wang,
Bulwagan ng Empiryo,
"Siyasatin lahat ng silid at tanggapan sa loob ng Palasyo. Lahat ng panauhin kagabi sa piging hanapin nyo. Lahat ng tagapaglingkod dito sa Bulwagan maigi nyong tanungin. At hanapin nyo ang huling taong nakausap niya bago sya mamatay!" yan ang mahigpit niyang utos sa mga kawal at tatlong tagusig na kasama, kasunod niya limang tagasunod habang mga ito ay may kanya-kanyang argumento sa likod.
"Masusunod po..." rinig niyang saad ng isa sa mga ito,
Patuloy lamang sila sa paglakad sa bulwagan ng Empiryo ng bigla nilang makasalubong si Heneral at Punong Ministro Cao kasama ang ilang kawal nito at maging ang nag-iisang alagad,
"Pagbati, Mahal na Prinsepe!" yumuko ang mga ito sa harap niya ngunit tanging kataliman lamang ng tingin ang tinapon niya sa mga ito,
Hindi sya nagsalita hanggang sa makatunghay ito at doon nagbangga ang mga nagbabagang titig nilang dalawa pero ito na rin ang unang nagiwas...
"Hindi ko alam na abala pala kayo sa pag-sisiyasat ngayon. Marahil ay hindi na rin kayo makapaghintay na mahanap ang salarin dahil sa nangyari sa punong tagapangasiwa ng Yuan, di po ba?" pagak na syang natawa sa isip dahil sa sinabi nito pero umakto pa rin na parang wala lang,
"Oo, hinding-hindi makakatakas ang salarin na yon. Tinitiyak ko na kapag nahuli na sya ay ako mismo ang papatay sa hayop na yon!" seryoso niyang pagsagot habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito,
Napansin niya ang paggalaw ng isa nitong tenga na senyales lang na parang nabigla ito sa sinabi niya.
"Hangad ko ang tagumpay nyo at kung may maitutulong ako handa akong tulungan kayo, mahal na Prinsepe!" muli, pagak syang napangisi.
"Hindi na. Magagawa ko naman nang hindi ka kailangan. Ang intindihin mo nalang ay yong sarili mong plano..." sagot niya dito ng may diin sa huling salita.
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Ficción históricaKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...