Kinagabihan,
Tanggapan ng Emperador,
"Kamahalan, nakahanda na po ang lahat para sa pagdiriwang ngayong gabi. May ipaguutos pa po ba kayo?" umiling sya sa tanong na iyon ni Ministro Yang,
Alam na niya ang katotohanan at ito ang plano niya upang ilantad ang kanyang nalalaman.
Ang kailangan nalang niyang gawin ay makuha ang simpatiya ng kanyang anak.
"Mahal na Emperador, sigurado na po ba talaga kayo sa inyong pasya?" bumuntong hininga sya sa tanong na iyon ng Punong Yunuko.
Oo. desidido na sya. Kung hindi sya palihim na nagsiyasat malamang hanggang ngayon ay bulag pa rin sya sa lahat.
"Pinagtaksilan niya ako at nagpanggap na kakampi. Ang bagay na ginawa niya ay isang kalapastanganan. Hayaan nyo, ang pagdiriwang na ito ay isang magandang opurtunidad upang tapusin na ang lahat..." aniya.
⊂***⊃
Empiryo ng Palasyo,
Nagsimula na,
Ang namumuong tensyon, lalong sumingkad.
Lumipat ng panig si Han Mao, nabawasan ng isang kakampi ang mga Cao.
Lalong tumindi ang pag-aapoy ng mga tingin na naglalaban sa kawalan na sa kani-kanilang isipan ay alam na parang nagpapatayan.
Sa kaliwa sina Cao Yi, Han Jiang, Liu Tang at Chen Gui. Samantalang, sa kanan naman ay ang Prinsepe ng Beimo at ng Dao, pati na rin si Xiao Ran.
Hindi nagpapansinan ang mag-ama at parang lahat sila ngayon doon ay hindi magkakakilala.
"Dumating na ang panahon, natutuwa ako't nandito kayong lahat!" nagsalita ang Emperador,
"Pagbati, Mahal na Emperador!" sabay-sabay silang bumati, simple itong natuwa bago sila muling pinabalik sa kani-kanilang puwesto.
Walang nangahas na magsalita, hanggang sa...
"Kamahalan, maganda ang gabing ito. Ano po ang inyong dahilan at nagpahanda kayo ng ganitong pagdiriwang?" si Heneral Cao, kampante at parang walang pag-aalinlangan.
"Tama ka, ang gabi na ito ay isang magandang gabi. Naisipan kong magkaroon ng maliit na pagdiriwang dahil malapit ng matapos ang lahat!" ngumiti ito bago umiinom ng alak..
Tahimik na ang mga nasa paligid, ng tumayo si Han Mao mula sa isang sulok.
"Kamahalan, mayroon sana akong mahalagang bagay na sasabihin. Sana ay inyong pakinggan!" tumango ang Emperador sa sinabi nito,
"Segi, magpatuloy ka?"
Pumagitna si Han Mao habang nakayuko sa harapan ng nakararami doon. Nagsimula itong magsalita na sapat upang marinig ng lahat.
"May handog po kaming inihanda ni Prinsepe Wei Tian para sa inyo, mahalagang bagay ito at tiyak na maiibigan ninyo!" tumango-tango ang Emperador,
"Prinsepe Han Mao, sa sinabi mo palang parang hindi na ako magkakaroon ng dahilan upang tanggihan ang handog ninyong iyan. Ngunit, ano ba ang bagay na ito at lubhang napaka-halaga para sa inyo?"
Ngumiti ang Prinsepe sa tanong na iyon ng Emperador,malalim ang pinanghuhugutan nito lalo na't unti-unting umaayos ang lahat sa plano.
"Kung hindi nyo po sana mamasamain, hayaang nyong ang Itinakdang Prinsepe ang magpaliwanag ng bagay na ito, Kamahalan..." hindi na ito nagtanong pa at sumenyas na lamang,
Tumatatak ang mga makahulugang titig ni Wei Tian kay Han Mao mula ng makabalik ito sa kinauupuan kanina. May banta syang ipinapalala.
⊂***⊃
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Ficción históricaKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...