Kabanata 34

11 6 0
                                    


Kinabukasan,

Tulala.

Isang emosyong hindi na naman niya mawari kung bakit muling bumabalik, dahil ba ito sa piangusapan nila ng Itinakdang Prinsepe kagabi o mas higit pa?

Wala ng dapat pang itago, alam naman ng nating lahat na mahal na nga niya ito pero ito ba ang tamang panahon upang ihayag ang nararamdaman niya rito?

Sabi nila wala namang masama kung sasabihin mo yong nararamdaman mo pero paano kung masaktan ka dahil hindi ka siguro sa nararamdaman niya para sayo. Tutuloy ka pa ba?

Tulad niya, mahirap umibig sa isang taong tila walang pagtingin sayo hindi ba?

Ngunit, ano nga bang magagawa mo eh puso mo yon eh. Hindi ikaw. Puso mo ang kusang tumibok, puso mo ang kusang nagpasya at puso mo ang kunsang NAGDIKTA...

"Prinsesa, tulala po kayo. May problema po ba?" tipid niya itong nilingon sa kanyang tabi habang ito nama'y nagsasalin ng tubig sa isang maliit na baso.

"May naalala lang ako..." maikli niyang sagot na sya namang ikinanguso nito,

Hindi ba ito kumbensido o kuntento sa sagot niya?

Sa bagay, hindi rin naman ito sanay sa ganoong asal niya..

"Sigurado po kayo? magsabi lang po kayo Kamahalan..." lumuhod ito sa kanyang tabi at maigi syang pinakatitigan,

Maliit syang ngumiti pero agad naman syang nagiwas ng tingin.

"Walang salitang makakapawi ng anumang sakit. Walang anumang pagdamay ang makakapagpagaan ng loob. At wala kahit ni isang lunas ang makakapag-paampat ng hapdi. Lalo na kung puso ang nasaktan ng taong hindi alam ang salitang pagmamahal..." may halong kalungkutan ang kaniyang mata habang sinabi iyon,

Isa na rin atang kompisyon iyon kung mamarapatin.

At patunay lang na umiibig nga siya...

"Kamahalan, ang bawat salita nyo ay tila isang tula.." ani nito,

"Isang tulang nawala ang bawat tugma. At h-hindi na malinaw kung ano ang paksa.." dugtong pa niya,

"Kamahalan! hinanakit po yan eh..." bigla itong napatayo ay malungkot syang tinignan,

Tama ka Zhi'ri, hinanakit nga yan. Hinanakit ng isang pusong nagmamahal...

Tumayo rin siya at naglakad patungo roon sa isang paso ng halaman. Hinanakit; salitang pait na nagpangiti sa kaniya,

"Hinanakit. Hinanakit na puno ng pagdadalamhati at sakit!" sya,

"Dahil po ba yan kay Prinsepe Wei Tian? sya po ba ang dahilan Prinsesa?" dalawang katanungang hindi niya alam kung paano niya sasagutin,

Nilingon niya ito kasabay ang pangangatal ng kaniyang nga labi.

"Pwede bang, wag mo munang b-babanggitin ang pangalan niya kahit ngayon lang? gusto ko lang palampasin ang araw na to na hindi sya pinaguusapan.." aniya,

"Ayaw nyo po ba syang makita?" tanong pa nito,

"Hindi sa ayaw. Gusto ko lang ipanatag ang isip at sarili ko ng wala siya -kahit ngayon lang..." dagdag niya,

"Kung yan po ang nais nyo, Prinsesa..."

⊂***⊃

Sambahayan ng Yuan,

Tanggapan ni Heneral Cao,

Seryosong nakatayo habang paulit-ulit na binabasa ang isang papel, may pangamba na sa isip niya habang hawak ito. Sunod-sunod na paglitaw ng bawat ebidensya ang kinakaharap niya ngayon, ano naman kaya ang susunod?

LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon