Weather Shanxi Pavilion,
Sambahayan ng mga Cao,
Sa isang malaking silid na napapalibutan ng iba't ibang uri ng armas ay naroon sina Heneral Cao Yi at isa pang.... Heneral..
Seryoso silang nakaupo habang umiinom ng alak na gawa sa katas ng lotus, presentable silang dalawa habang seryosong magkaharapan,
"Tungkol don sa pinapagawa ko, nagawa mo ba ng mabuti?" tanong nya sa matandang lalaking kaharap,
"Wag kayong mag-alala dahil ngayon ay palaisipan na para sa kanila kung sino ang nanlilinlang at nagpadala ng huwad na talaan mula sa pamahalaan ng Shenmenxia...wala pa sa kamalayan nila na pinagtataksilan natin sila Heneral Cao!" nakakalokong ngumiti ang kaharap nya sa kanya,
Hindi biro ang pinag-uusapan nilang ito dahil kung iisipin sila pala ang may kagagawan ng lahat, taksil nga sila at mapanlinlang...
"Mabuti kung ganon, dahil ngayon naman ay pupunta na tayo sa Ikalawang plano!" nagsalin sya ng alak habang seryosong nakatitig dito, may bahid ng kaitiman ang mga mata niya ng mga sandaling iyon,
Mga matang nagnanais pumatay, sakim sa kapangyarihan at higit sa lahat mga mata nyang nababalutan ng matindi at kasuklaman-suklam na mga kasalanan...
⊂***⊃
Sa Palasyo ng Wang,
Dahil sa nangyaring pang-aasasinasyon ay naalerto ang buong Palasyo, mas mabuti na yon dahil alam nilang baka maulit pa ang nangyari lalo na at ito maharlikang angkan,
Pero sino namang magtatangkang gumawa ng bagay na yon at sa magiging itinakdang Prinsesa pa?
Ang dami ring tanong sa isipan ng nakararami lalo na sa buong konseho dahil sa mga nangyayari ngayon pero ano nga bang magagawa nila eh talaga namang hindi iyon maiiwasan,
Matiyagang lang naghihintay sa labas ng isang silid si Han Jiang kasama ang dalawa nitong tagasunod samantalang kasunod naman nyang dumating si Yunuko Yu at Ministro Yang na ngayon ay nasa kabilang gilid ng pintuan katapat nya,
Wala silang imikan, at simpleng yuko lang ang ginawa nila,
Nasa loob ng silid na yon ang Prinsesa, ginagamot na sya ng imperyal na manggagamot na syang pinadala ng Emperador, at habang naghihintay sila ay ang iksaktong pagdating ng Itinakdang Prinsepe kasama ang walo nitong tagasunod,
"Prinsepe Wei Tian, narito na po kayo!" aniya ni Ministro Yang sa kanya habang nakayuko pero hindi sya sumagot dahil ang paningin nya ay na kay Prinsepe Han Jiang,
Muli na namang binalut ng katahimikan ang lugar na yon, kung magtatapon ka siguro ng karayom ay baka hindi mo na ito hanapin pang maigi dahil sa sobrang tahimik,
Dalawang mga nagliliyab na mata lamang ang naglalaban don habang may malamig namang hangin ang nakapalibot sa kanila,
Nagtapo na namang muli ang pula at lilang bandera...
"Kung sisisihin mo'ko sa nangyari sa Prinsesa ng Yuan dahil ako ang nandon pwes wala kang malalaman sakin!" sarkastiko nitong anang sa kanya na syang ikinangisi nya,
"Muka ba akong may paki kung may alam ka o wala, hindi naman kita tinatanong kaya manahimik ka!!" malamig nyang usal na ikinainis nito at ikinaiwas ng tingin sa kanya,
Pero hindi pa rin ito natinag sa sinabi nya bagkos ay para bang nakakaloko pa itong ngumiti ng maliit sa harap nya "Hindi mo lang ba itatanong kung paano kami nagkakilala?" tanong nito na mas lalong ikinaigting ng panga nya,
"Wala akong paki-alam!...." may diin nyang pantig sa bawat salitang kanyang binitiwan na mas lalo lang nitong ikinangisi,
Muli na naman silang nagtitigan, matatalim ang mga iyon at walang mababasang emosyon... kahit ni isa!
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...