Kinabukasan,
Sa Bulwagan ng Zhou,
XIAO RAN'S POV
Palabas na ako ng bulwagan mula sa sambahayan ng Kanlurang Zhou, naglalakad kami ngayon ni Zhi'ri sa pasilyo ng bulwagan malapit sa hardin,
Tahimik lang ako habang inaalis ang mga aalala ng nangyari kagabi pero kahit anong pilit ko, nasasaktan lang ako kapag muling pumapasok sa isip ko ang mga salitang narinig ko sa kanya,
Sa bagay sino ba naman ako upang pahalagahan nya ng hayagan eh diba kasunduan lang to sa pagitan ng angkan naming dalawa,
Pero kahit na ganon, may malaking utang na loob pa rin ako sa kanya dahil sya ang nagligtas sakin 'di lang isa kundi dalawang beses na,
Dalawang beses na nyang napanghawakan ang buhay ko at alam kong sa susunod baka mas lumalalim pa yon....ng higit pa doon..
"Prinsesa, iniisip nyo pa rin po ba ang nangyari kagabi?" tumigil muna ako sa paglalakad tsaka humarap kay Zhi'ri, pansin din pala niya na iniisip ko ang bagay na'yon,
"Hindi naman may naalala lang ako...." pagod kong pagpapalusot sa kanya at alam kung hindi ko sya nakumbinsi dahil ngumuso lang sya pero anong magagawa ko ayaw kong madamay sya.... sa gulo ko..
Ngumiti nalang ako ng tipid sa kanya bago muling bumalik sa paglalakad, ngunit wala pang tatlong hakbang ang nagagawa ko ng kusang tumigil ang mga paa ko dahil nasa harapan ko na pala sya...
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at hindi nga ako nagkamali nakatitig din sya sa akin, pero hindi tulad ng dati ang mga tingin nya na mas nagpa-iba pa ng nararamdaman ko ngayon,
Yong kulay tsokolate niyang mga mata ay tila ba mas naging mabagsik ngayon at punong-puno ng galit habang salungat naman ang kaba kong nararamdaman ay tila ba isa lamang yong alikabok na dumaan sa harapan niya,
Yong nangyari at mga sinabi niya kagabi iniisip rin kaya niya?
Naisip kaya nyang may umiyak dahil sa mapanakit niyang mga salita?
Tss, sino nga ba sya para isipin yon eh di'ba malupit naman talaga sya at alam ng lahat na di niya ugaling magbigay ng awa sa iba...
Pero di ko kailangan ng awa niya...siguro h-hindi pa!
"Pagbati, mahal na Prinsepe!" yumuko ako sa harapan niya na tila isang mangmang na batang hindi sya kilala, kailangan kong gawin yon upang malaman nyang sa kabila ng mga sinabi ay kaya ko pa rin syang harapin,
Pero hindi ko inaasahang iiwasan lang nya ako ng tingin sabay alis sa harapan ko kasunod ang mga tagasunod niya na animo'y para bang walang anumang nangyari...
Grabe ka Xiao Ran, iginalang mo pa talaga ang taong walang paki-alam sa nararamdaman ng iba...
Sobrang manhid naman nya!...
⊂***⊃
Hindi nya pinansin iyon at nilampasan lamang sa harapan niya, Ewan ba nya dahil tila nakaramdam sya ng inis ng makita ito, siguro dahil sa nangyari kagabi pero balewala na yon sapagkat alam naman niya sa sarili niyang iyon ang totoo,
Iba pa rin kasi ang takbo ng mundo para sa kanya, hindi pa kasi handa ang puso niya...para maglabas ng awa o makaramdam lang kahit konti nito,
Napapalibutan ng bakal ng kasamaan, at nababalutan ng kadena ng kademonyohan ang puso ng taong yan...
Walang makakapigil kahit siguro ang langit.....
"Kamahalan...." tipid na paglingon ang ibinigay niya ng tawagin siya ni Bo Yi na nasa kanyang kanang tabi,
BINABASA MO ANG
LAWS OF THE HEART (Chinese Series #02)
Historical FictionKapag may galit, may paghihiganti... Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan s...