Ara's POV
Nandito sila Enzo at saka yung mga ungas! sila Nathan, Chad, Gab, David, Zion, Carson, Kokoy....what the heck?
Napaangat ang kilay ko nang makita silang pumasok sa restaurant. Parang nag-freeze ang oras, at bigla akong nahulog sa realisasyon na nagkita-kita kami sa mismong isla na ito. Ang mga ito, ay nandito at naglalakad papunta sa aming mesa.
"Look who we have here," sabi ni Enzo, na may mapanuksong ngiti sa kanyang mukha. "What a small world, right?"
"Naku, Enzo!" Tumayo si mama at niyakap si Enzo, ganon rin ginawa ng iba ko pang pamilya at ng ako na ay nakaupo pa din ako at nakatitig kay Enzo, masaya ako na nandito siya ngayon hindi lang ako makapaniwala.
Nabigla ako ng ngumuso si Enzo "You won't even hug me?"
"H-Huh?" Natutuliro kong tanong, ngumisi siya.
"Don't you want to hug me anymore?"
"Huh?" Napaawang ang bibig ko sa sinasabi niya, huhu dito pa talaga sa harap ng family ko? "A-Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
"Fine, if you don't want a hug, just kiss me." Nakangisi niyang sabi, lalong napaawang ang bibig ko.
Siya na lang mismo ang lumapit at niyakap ako may kasama pang halik sa noo bago ako ngisian.
"May bakante pa namang upuan dito, dito na lang kayo umupo mga Hijo." Saad ni papa.
"Sure Tito." Tatabi na sana saakin si Enzo ng malaman niyang magkatabi kami ni Ezekiel, tumingin ito sa kuya ko. "Bro, pwedeng tabi kami?"
Ngumisi si Ezekiel "Sure." Tugon niya at umusod.
Pagkaupo ni Enzo tumingin siya saakin at ngumiti, umiwas naman ako ng tingin dahil nakakatunaw ang titig na yon! palihim akong napangiti.
"Wow! ang sarap neto ah!" Umalingawngaw na ang boses ni Chad!
"Oo nga! grabe iba talaga mayayaman masasarap ang mga pagkain." Sabat ni Gab, tinaasan ko siya ng kilay.
"Pag nasa bahay kami parehas lang din ang kinakain namin sa kinakain ninyo." Masungit kong sabi.
"Ate, you're so sungit." Singit ni Troy, "But we are not mayaman, right kuya?"
"Hindi nga tayo mayaman." Masungit kong sabi, ako na ulit ang sumagot.
"Sus mayaman kaya kayo." Sabat naman ni
KokoyNgumisi si Ezekiel. "Depende sa definition mo ng 'mayaman,' Bro," sagot niya.
"Pfft, come on. Kung totoo 'yang sinasabi ni Ara, bakit may sarili kayong yate at hotel si Ezekiel?" Tanong ni David, na para bang gusto pang patunayan na mali kami.
Napailing ako at sinamaan siya ng tingin. "David, hindi lang pera ang batayan ng pagiging 'mayaman,'" sabi ko, nagpapa-intellectual kunwari. "It's about how we use what we have, not just showing it off. Kung sinasabi mong mayaman kami dahil sa mga gamit, maybe hindi mo pa talaga naiintindihan ang tunay na value."
Nakangising tumatango-tango si Ezekiel "Ayan na naman si Ara, with her wise words," biro niya, pero may halong pag-apruba.
Tumawa si Enzo, halatang na-e-enjoy ang drama namin. "She's got a point, Troy. Being rich isn't just about what you have. It's also how you think."
Kokoy rolled his eyes. "Okay, fine. But I still think the yacht says something."
"Whatever, Kokoy" sabi ko.
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
AcciónDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)