"Congrats, panalo kayo sa basketball." Lumingon sa akin si Yhael.
"Bakit parang ang plastic naman niyang sinabi mo? Hindi bukal sa loob 'no?" tanong niya sa akin. "Isa pa, champion kayo sa volleyball. Dalang-dala mo ang laro sabi ni Sovie."
I chuckled softly at his words. "I'm just tired. You know a lot happened during Invictus, right?" I gently inquired.
His innocent eyes filled with concern. "Bakit? May umaaway ba sa 'yo na taga-STEM?" he asked.
Nakangiti akong umiling. "Napagod lang ako sa cheer," naiiling kong sinabi.
I looked down. Trying to hold back the tears that wanted to escape earlier. "Ayos ka lang?" tanong niya. Hindi ako kumibo kaya muli siyang nagsalita. "Nagagalit ka ba dahil hindi ako napanood ng laro mo?"
I shook my head once more before gazing up at him. We were at the school's waiting shed, waiting for Sovie and others. "It's not because of that. I know you had a championship earlier, that's why you weren't around. Congratulations," I said softly.
Bumuntong hininga siya bago hawakan ang dalawang balikat ko at maiharap sa kaniya. "Ano ba kasing problema? Bakit ganiyan ang boses mo? May umaway na naman ba sa 'yo? Sino?" sunod-sunod niyang tanong. Umiling lang ako bilang sagot.
"Alam mo, hindi kita matutulungan diyan sa problema mo kung hindi mo sasabihin sa akin."
I gently removed his hand from my shoulder and offered him a faint smile. "It's okay, Yhael. Maybe I'm just feeling a bit sensitive right now," I said.
"Anong-" natigil siya sa kaniyang sinasabi nang lumabas ng gate sina Sovie. Nakikipag-asaran siya kina Janser at Daniel. "Sovie, anong problema nito?" tanong ni Yhael kay Sovie sabay turo sa akin.
Lumapit sila sa kinauupuan namin ni Yhael. Umiling ako kay Sovie nang nagkatinginan kami. Ngumisi naman siya sa akin bago bumaling kay Yhael. "Inaway siya ng crowd ninyo. Kaya hindi niyo deserve ang overall champion, mga tangkay na mga bully na ang papanget naman," litanya ni Sovie.
"Anong ginawa?" sabay-sabay na tanong nung lima.
Natatawang nag-apir si Daniel at Janser. Hindi nila maka-apir si Yhael dahil masama ang mukha.
"Magaling na server kasi 'tong kaibigan ko, boys," pagmamayabang ni Sovie bago ako inakbayan. "Sa sobrang galing, no need na ng ibang players. Kaya na niyang ipanalo ang laro laban sa inyong mga tangkay na nilampaso niya."
"'Wag mo nga kaming nililigaw, Sovie." Seryosong sinabi ni Yhael.
"Ito naman, hindi mabiro," natatawang sinabi ni Sovie. "Ito na nga..." Tiningnan niya ang limang lalaki na naghihintay sa kaniyang idudugtong.
Imbes na dugtungan iyon ay tumawa siya nang malakas. "Hinga, para naman kayong nag-aabang ng chis-"
"Sovie!" sabay-sabay na tawag sa kaniya nung lima.
"Oo na, Kuya. Ito na, sasabihin ko na. Nanginginig pa," sinambit ni Sovie.
"Tapos na tayo sa pagiging bida-bida ng kaibigan ko," dugtong niya bago nagseryoso ng mukha. "Nung malapit na kasing matapos ang laro, lamang kami ng 5 points sa inyo. Kada mag-se-serve si Aphle, may sumisigaw na "anak ng cheater!" para mawala sa concentration si Aphle. Muntik pa kaming matalo dahil madadaya kayo!"
"Paanong kami?! Puro girls kaya 'yung nanonood sa inyo. Mapagbintang ka," depensa ni Janser.
"Sinabi ko bang kayong lima? 'Yung mga babae sa inyo!" sigaw ni Sovie.
"Nakikilala niyo ba?" tanong ni Kuya Zhack. Nanatili akong tahimik habang nag-di-discussion sila.
"Tara nga, kakausapin natin," sinabi ni Yhael bago tumayo.
BINABASA MO ANG
Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)
RomanceBeing the youngest daughter isn't really easy. That's how Aphle always feels but never expresses to anyone. Aphle Xierinah Poniente, the youngest daughter of the governor in their town. She is intelligent, obedient, innocent, reserved, generous, and...
