Chapter 52

83 0 0
                                        

CHAPTER WARNING: This chapter contains scenes of physical abuse, captivity, emotional trauma, and threats of violence that may be distressing to some readers. Reader discretion is advised.

Kaagad kong ibinalita kay Lei ang nangyari sa kaniyang kapatid. Nang hapon ding iyon ay sumunod siya sa hospital kasama ang mga pinsan niya. Umuwi na rin ako ng hapong iyon.

Ayoko sanang umuwi dahil gusto kong malaman ang nangyayari kay Yhael. Pero nagpumilit si Lei na umuwi na muna ako kasabay ang mga kaibigan ko.

Habang nasa biyahe kami ay walang nagsasalita sa amin. Si Janser at Daniel na dating hindi natitigil ang bibig ay ngayon ay tahimik.

Alam kong iniisip nilang kasalanan nila kung bakit biglang na-trigger ang kalagayan ni Yhael, pero hindi ko naman sila sinisisi.

Naiintindihan kong gusto lamang din nilang bumalik na ang ala-ala ni Yhael.

"Aphle..." Tawag sa akin ni Sovie.

Hindi ako bumaling sa kaniya kaya hinawakan niya ang kanan kong kamay. "Aphle, sorry na."

"Wala kayong dapat ipagpahingi ng tawad," mahina kong sinabi.

"Kasalanan pa rin namin. Masyado kaming nagpadalos-dalos kaya ito ang nangyari."

"Tama. Hindi namin inisip ang magiging impact nung gagawin namin." Konsensyang sinabi ni Daniel.

"Naisip lang namin na baka kapag nakita niya 'yung mga picture mo na siya ang kumuha... baka maalala ka niya kahit kaunti." Sovie.

Tumulo ang mga luha ko. "P-Pero kung ganoon lang din naman ang mangyayari. Mas gusto ko pang 'wag na lang niya akong maalala." Basag na boses kong sinabi.

"Hindi naman pwede 'yon." Tutol ni Janser.

"Saksi kami kung paano kayo magmahal—oo sounds cringe—pero totoo. Nakita namin kung paano niyo mahalin ang isa't-isa. Gusto lang namin na bumalik kayo—si Yhael sa kung sino siya noon."

"Babalik naman 'yon eh." Mas nabasag ang boses ko. May kaunting pagtatampo na ngayon sa aking tono. "Hindi naman natin kailangang ipilit."

"Kaya nga. Sorry talaga, Aphle." Si Sovie ulit.

Tumango na lang ako nang maraming beses. Wala naman kaming magagawa sa ngayon. Walang saysay kung magtuturuan kung sino ang mali.

Ang mahalaga, maging maayos ang kalagayan ni Yhael.

***

Pagkaraan ng dalawang araw ay wala pa rin akong balita kay Yhael mula kay Lei.

Ilang beses ko nang tinanong sa maid na nagdadala ng pagkain sa akin kung nakauwi na ba si Lei o kahit isa sa mga pinsan niya. Pero pareho palagi ang kaniyang sagot.

Palaging wala.

Sa parami nang paraming araw na wala akong balitang natatanggap, mas lalo akong nag-aalala para kay Yhael.

One day comes. Suddenly, the door to the room I’m staying in bursts open.

Even though I’m lying down with my back turned to the door, I know it’s not Lei who enters.

My assumption is right when someone suddenly grabs my hair.

"Ouch! Please, that hurts.” I struggle, but she only tighten their grip on my hair.

She don’t let go until I fall to the floor.

She squat down so our eyes are level.

"What? You’re still not done being a disgrace?" she asks furiously.

Forbidden Relationship (Forbidden Series #3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon